Wednesday, October 20, 2010

of endings and beginnings

on the day i learned that idol was ending, i bought my first ever diamond earrings...

hindi ko alam what came over me... sabi lang kasi noong CM ko, investment daw ang diamonds. kaya gora... bumili ako. nakakalula ang presyo. it was my most expensive purchase ever. mas mahal pa sa apat na buwang deposit/advance rental ko sa new condo... pero kebs. naisip ko. "deserve ko to..." ang diamond na ito ang "katas ng idol" :)

pero siyempre hindi ko siya ginagamit lagi. on special occasions lang. kung may party. kung may date (date!!!)... as if :))

***
while my headwriter and i were doing the finale week of idol, i asked him "nalulungkot ka ba?" he said hindi...

a few days after, i was asked by maderbibs kung na-sa-sad ako. sabi ko "hindi na..." i was sad for a while. kahit naman anong magtatapos, nakakalungkot. ke isang taon man yan o isang buwan lang... pero gaya nga ng sabi ko sa twitter ko, some good things never last but better things are about to begin...

***

and these better things have started even before 1dol ended... it came as a surprise. i was content with green rose and the rakets in wansapanataym and your song. pero i got the news yesterday... i am part of a new soap.

kaya kahit na pangarap kong mamahinga muna ng ilang weeks, walang chance for that. i just feel grateful na nabigyan uli ako ng bagong project. and i have to prove to them na hindi sila nagkamali sa pagkuha sa akin...

and on the day i learned i have a new show... i bought another pair of diamond earrings. adik lang?!?

3 comments:

hArTLeSsChiq said...

favorite ng boyfriend ko yung idol,pag magkausap kami bigla na lang matitigilan, yun pala idol na..hehe

hmmm nahanap ko din kayo sa wakas :D hehe gustong gusto ko kasi yung kwentong jellybeans ^_^ pinost ko nga pala siya sa blog ko :)naalala ko kasi ulit kanina.

Jemalyn said...

wow. gusto ko na tuloy maging writer. i follow you on twitter. laging puyat and nawiwindang sa deadlines. pero at least may diamond earrings ka na. not one, but two pairs! kaloka! sinong nagsabing kelangan ng lalaki para maregaluhan ng diamonds??? congrats sa successful career!

Anonymous said...

adik sa diamonds! hahahaha. am happy for you mare, you deserve those earrings, ikaw na na hindi natutulog just to meet deadlines.

*hugs* kareen