Wednesday, December 1, 2010

christmas wishlist 2010

a few weeks ago, my friend ilai asked me what i want for christmas... and then, may mga friends na rin ako na nagtatanong ano daw gusto kong matanggap sa pasko...



i remember, three years ago, gumawa ako ng wishlist ni noringai... ayun, almost 50% naman ng nandoon, nabigay sa akin ng mga friends ko... kaya heto, gagawa na ulit ako... para dun sa mga kaibigan ko na nagtatanong kung ano ang gusto kong regalo sa pasko...


bago ang lahat... mababaw lang naman ako na tao. hindi ako choosy... walang masamang tinapay sa akin... ayos lang talaga kahit ano... pero kung may mag-aabala na magbibigay sakin ng regalo sa pasko.... heto lang ang mga wishlist ko :)


1. garfield desk calendar na mabibili sa fully-booked. puwede rin ang wall calendar.


2. scented candle na may tatlong wick. sa s&r ako nakakita nito pero kahit saan naman ata may ganito... ang aliw kasi eh...


3. sleeping blindfolds. sa tulad kong umaga na natutulog, essential sa akin ito. bought a betty boop design sa la senza last year pero dahil araw-araw ko nagagamit, ayun laspag na hahaha kinukuripot akong bumili ng mga nasa la senza now... maghihintay na lang ako ng may manreregalo sa akin...


4. he's just not that into you na libro.


5. 500 days of summer na dvd.


6. fluffy pillows. oo. adik ako... may anim na pillows ako pero dahil sa malaki ang kama ko this time, gusto ko pa ng mas maraming unan!


7. bagong envirosac bag. have three na... pink, green, and yellow. gusto ko pa... bilang gamit na gamit sa akin ang envirosac...


8. bedsheet... iyong full size. iyong 54 x 75


9. vs love spell na body wash.


10. pirated dvd ng complete season ng friends. a few years ago, bumili ako sa quiapo nito. noong pinanood ko recently, ayaw gumawa ng ibang disks. waaaaah...

11. pirated dvd ng grey's anatomy, how i met your mother, saka desperate housewives mula season 1 hanggang latest season :)

12. kahit anong garfield or betty boop items :)

13. adik din ako sa body wash, sa panties (size 12 sa marks & spencer, xl sa la senza), sa bags at nagkokolekta ako ng playing cards or baraha :)

ayan... pero kung may co-worker ako or friend na nagbabasa nito... kilala nyo naman ako. mababaw lang ako so surpise me... :)

edited to add: today, december 3, na-peer pressure ako at bumili ng 32-inch na flat screen TV. ayun, na-install na sa bahay ko... sabi ko nga sa twitter, ansarap umuwi sa bahay at tinititigan gabi-gabi ang katas ng pinaghirapan ko... it makes all the hard work, pagpupuyat and hirap worth it :) dahil diyan, wala na talaga akong karapatang bumili ng kahit ano para sa sarili ko... quota na ako sa mga regalo ko for myself :) buti na lang. reregaluhan nyo ako. yehey! :)

1 comment:

nessie said...

4.he's just not that into you na libro.

5. 500 days of summer na dvd.

10. pirated dvd ng complete season ng friends. a few years ago, bumili ako sa quiapo nito. noong pinanood ko recently, ayaw gumawa ng ibang disks. waaaaah...

11. pirated dvd ng grey's anatomy, how i met your mother, saka desperate housewives mula season 1 hanggang latest season :)



aww. :"> the same po tayo ng mga kinaaadikan. =))
since bata ako, nung ngsstart plng ang F.R.I.E.N.D.S., fanatic na ko. until now paulit-ulit naming (family) pinapanuod kpg my time. :P

happy Christmas po! God bless u and your family. :)