Tuesday, December 7, 2010

namumukadkad...

pinalabas na si sabel kahapon... biglaan iyun. kasi dapat sa january pa iyun. pero dahil sa walang kapalit ang kokey, at medyo ready na ang sabel, ayun kami ang isinalang...

ang sabel ang isang proof na kung para sa iyo talaga ang isang bagay, mawala man ito sa iyo, sa ending, sa iyo pa rin mapupunta ito...

yes, my rubi headwriter and i conceptualized sabel. pinanood ko ang original movie. ako gumawa ng powerpoint. kami nagpakapal ng kuwento at nagdevelop...

pero ginagawa na namin iyong idol nung sinabing go na ang sabel. so binigay ito sa ibang writers. keri lang. kasi sabi ko, i have idol, and green rose.

on idol's last week of airing, i was informed, sasalo ako ng sabel. nung unang sinabi sa akin, part na ako ng writing team... di ko naman inexpect... ako lang pala ang writing team.

so ayun na nga ang sabel... pinalabas na kagabi...

already wrote weeks 2 to 4. everytime i'd finish a script, pinupuri ako ng headwriter ko. sinasabi niyang maganda daw. ayoko maniwala, kasi sobrang ikli ng time binibigay sakin to write... so talagang minamadali ko lang. kaya kapag sinasabi saking "ang ganda ng script mo..." o kaya "nagustuhan ng director iyong script." ang nasa isip ko, "ine-etchos nyo lang ako..."

pero sa meeting, mismong business unit head na ang nagsabi na maganda ang scripts... gusto ko maiyak. as in. pero at the same time, pressured... kasi may deadline na naman ako...

so heto nga, mula ng dumating si sabel... wala na akong weekend. pero isn't this what ive always wanted? to be able to write a soap na ako lang... we did that sa rubi and idol pero doon kasi, sa latter part na ako nakapagsulat... kaya hindi ako nagrereklamo... sabi nga ng CM ko, ito na iyong break ko...

ang sabel ang dahilan kung bakit hindi ko naramdaman ang undas. kung bakit nagsusulat ako habang nasa sementeryo ako, sa tabi ng tatay ko... kung bakit sinabihan ako ni maya ng "sulat ka lang ng sulat, sana hindi ka na umuwi dito..." pero seeing the show... hearing the compliments from my bosses... and receiving my paycheck... narealize ko, it's worth it... it's all worth it...

2 comments:

salvegrace said...

hello po.. kayo po pala ang isa sa mga writer ng sabel. i watch it, kasi feeling ko parang maypagka-korean story type, yun yung gusto ko eh.. wish ko lang, sana wag gawing brutal ang mga scenes esp sa family conflicts. okay yung role nina jessy, aj at kuya joseph, pero gusto ko sa role ni kuya joseph maypagka-mayabang pero humble din pla ung dating... hope u will consider my comments and suggestions.. Congrats sa SABEL and more power to you! God bless po!

BabyPink said...

Wow! Congrats, Miss N! Astig ka talaga! :)

Happy 2011! More blessings! :)