Sunday, April 17, 2011

dear ABS-CBN

dear abs-cbn,

salamat sa incentive. sobrang saya ng lahat ng kapamilya noong biyernes. iyong iba, tigalgal. iyong iba, teary-eyed. hindi makapaniwala kung gaano kalaki iyong natanggap nila. parang pasko sa opisina. may mga napapasigaw. may napapatalon. grabee, lahat ng makasalubong ko, nakangiti. lahat masaya.

as for me, 3o mins ako nakapila sa cashier. iniisip ko, magkano kaya iyong makukuha ko? when it was my turn and the cashier gave me the check... napa "oh my God" ako sa sobrang gulat. and my close friends know hindi ako nag-o-oh my God... tapos, nangi-nginig ako. sobra.

salamat, abs-cbn. noong nasa office na ako, napayakap ako kay ms linggit tan sa sobrang saya. i heard from the people in the office, si ms linggit daw talaga ang reason kung bakit malaki iyong incentive. pinaglaban daw talaga ni ms linggit ang mga writers.

malaki ang utang ko sa iyo dahil sinagot mo ang balance ng hospital bills noong na-ospital ako. amount na dapat ay babayaran ko ng tatlong taon. pero dahil sa bonus na natanggap ko, malaki ang mababawas sa utang ko.

habang ang mga tao ay nagpaplano kung ano ang bibilhin nila sa perang natanggap, ako, ibabalik ko din sa iyo. pambayad-utang. salamat, abs-cbn. hindi ko inaasahan iyun. hindi namin inaasahan iyun. para kaming lahat nanalo sa lotto.

pero higit sa lahat, salamat din kay Lord. kasi alam niya ang pangangailangan namin. at nagpaulan siya ng blessing through the network. salamat sa lahat ng advertisers at mga political ads na pumasok last year... salamat... ang sarap talaga maging kapamilya.

1 comment:

MSY said...

Wow ang saya naman! Sana kami din hahaha!