Thursday, April 14, 2011

kaka-miss

namimiss ko na ang ganitong pakiramdam...

iyong hindi mo napansin na dumaan na pala ang sweldo at di ka kumuha ng TF sa cashier, kasi hindi pa ubos yung pera mo from your previous sweldo.

iyong keri mong gumastos ng 10,000 sa isang punta lang sa SnR

iyong di mo na pinag-iisipang ang mga binibili mo. iyong tipong may nakita ka lang na sale ng flatscreen TV, bumili ka agad kahit may tv ka pa. kasi sale eh.

iyong kapag kasama mo mga pamangkin mo, kahit ano gusto nila, kahit anong ituro nila, bibilhin mo para sa kanila.

iyong kapag may nabalitaan kang kaopisina na namatayan o naospital, o may magbibirthday at may surprise kayo, bigay ka agad ng pera, kebs sa amount.

iyong galante ka magbigay ng regalo. kahit hindi mo ka-close, gumagastos ka ng ilang libo sa regalo.

iyong shopping ka ng shopping ng damit at bag, kahit na marami pang damit sa closet mo na hindi mo nagagamit at umaapaw na ang kuwarto mo sa bag mo.

iyong kapag may bagong restaurant, susubukan nyo agad ng mga kaibigan mo.

iyong kapag may sale ang cebupac, book agad kayo ng flight sa kung saan. travel dito, travel doon.

iyong taxi ka lang ng taxi kasi tinatamad kang mag mrt or mag commute. or ayaw mong maglakad.

iyong wala kang pakundangan gumastos kasi iniisip mo, hindi naman nauubos ang pera mo. may dumarating tuwing suweldo.

ganyan ang lifestyle ko noon. feeling ko kasi, naghihirap ako kumita ng pera eh. i deserve to pamper myself. ibigay ko naman sa sarili ko. reward ko sa sarili ko.

pero ayun... nahospital ako.

iyong nagastos ko sa hospital, enough na para makabili na ako ng isang condo unit at isang kotse. at iyun ang unti-unti kong binabayaran ngayon.

iyong susuwelduhin ko in the next three years, mauuwi sa pambayad sa hospital bills.

kaya wala na munang shopping. wala na munang kain sa labas. wala na munang travel. wala na munang luho. natututo na akong mag mrt ulit at mag-bus or fx. sinasanay ko na sarili ko maglakad at kumain sa bahay.

noong huling uwi ko sa davao, at sinabi ko sa mga pamangkin ko na hindi na kami makakapag- girls day out (a tradition weve been doing for years. iyong ilalabas ko apat na pamangkin kong babae at magma-mall kami, nood sine, arcade, kain sa labas, at kahit anong kagastusan na sagot ko), kitang-kita ko ang disappointment sa mga mata nila.

"but it's a tradition!" sabi ni steffi. "hihingi ako pera kay daddy, ako na lang manlilibre sa iyo, tita."

ganito pala pakiramdam ng naghihirap. higpit-sinturon na lang.

pero sa tuwing naiisip ko iyong financial state ko ngayon, iniisip ko na lang, "at least buhay ako... hindi kayang bayaran ang buhay."

kaya oo, namimiss ko lahat ng ginagawa ko noon. may pagsisisi din. sana hindi ako naging maluho. sana hindi ako naging bulagsak sa pera. sana mas marami iyong naipon ko...

ikaw na nagbabasa nito, wala ka rin bang pakundangan gumastos? may this be a warning to you. learn from me... :)

2 comments:

POSH said...

ate noreen, shinare ko sa facebook to ha? tnx.

noreen said...

posh, waaah, nakakahiya naman. di naman ka-share-share sa fb bwahahahaah