Tuesday, April 19, 2011

remembering aj perez


the first script i wrote for aj perez was in july 2008 via your song presents impossible. he was with lauren, empress and dino. i knew nothing about him before that. except that he was one of the stars in about ur luv, groomed to be the next matinee idol of the station.

i met him personally in february 11, 2009. storycon iyun ng your song presents underage. habang nagpe-present ako ng kuwento, he was listening intently.

in march, we learned that we would be writing a your song episode for the gigger boys. to get to know them more, we spent an afternoon with them, to ask them questions, to get to know them better.

doon namin nakilala ng husto si aj. na makulit din pala siya. nakikipagbiruan with the boys. nakikipag-asaran. pero may sense siya na bata. pinagsasabay niya ang pag-aaral at showbiz. refined. magalang. he was close to enchong dee, dino imperial and chris gutierrez, siguro kasi pareho silang lahat taga la salle. at lahat sila nagkasama na sa about ur luv.

during the boystown storycon, as i was presenting the story, aj, as usual, was listening to the story and his character. parang ina-absorb niya talaga iyung kuwento. after i presented, lumapit siya sa akin to ask kung anong movies ang puwede niya panoorin para gawing peg sa character niya.

that was when i knew, seryoso sa craft nya ang batang ito. ilang beses na ako nag present sa storycon pero siya lang ang artista na nagtanong ng ganoon. it means, he was keen on improving his acting. kaya naghahanap siya ng means para mapabuti pa ito.

natatandaan ko, habang nagte-taping sila sa boystown, sa tuwing makakasalubong ko siya sa hallway, nagkukuwento siya tungkol sa mga eksenang shinoot nila. proud na proud siya kapag nakapagdeliver siya ng drama.

i remember when aj told me, "after your song presents underage, nag your song presents boystown naman. sana kasama ako sa next episode, para your song presents aj perez na. hahaha."

hindi man siya nakasama sa sumunod na your song episode, he got his biggest break via sabel, after one and a half year. hindi pa ako part ng creative team ng sabel noon at pumunta lang ako sa storycon para makikain. pero kahit na antagal naming hindi nagkita ni aj, natandaan pa niya ako at binati niya ako.

and then naging writer ako ng sabel. sa trade launch noong december, aj was raving about his role. gustong-gusto daw niya. nagbibiruan pa nga kami tungkol sa pagko-quote niya ng bible verses. that was the last time i talked to him... the last time i saw him was christmas party ng unit namin.

ilang beses ako dumalaw sa taping ng sabel pero hindi kami nagkikita. after the christmas break, naospital ako ng three weeks, and then i went home to davao, kaya hindi ako naka attend sa party ng sabel.

december ko siya last nakita. december kami huling nagkausap. at december din yata iyong huling tweet niya sa akin. sabi niya, ako daw ang dahilan kung bakit iyak ng iyak si sabel. and then he added na paganda ng paganda ang story ng sabel.

sayang lang na kung kelan nabigyan ng break si aj, saka pa siya nawala... ang daming nagtatanong, bakit siya pa? masyado pa siyang bata. marami pa siyang pangarap. sabi daw ng dad ni aj, sana siya na lang ang kinuha, huwag na si aj...

i remember the time when aj was talking about his father. he was teary-eyed as he shared he couldn't imagine life without his dad. siguro iyun ang dahilan bakit naunang kinuha si aj... to spare him from pain and misery...

dalawang gabi na ako pumupunta sa lamay ni aj. and overwhelming ang dami ng mga taong pumupunta sa chapel. ganoon kadami ang taong nagmamahal sa kanya... and lahat ng tao, iisa ang sinasabi kapag nakita siya... ang angelic ng mukha niya. he was so peaceful. para lang siyang mahimbing na natutulog...

on the second day, may tribute for aj. everybody talked about aj's smile. never siya sumimangot, never siya nagalit, wala siyang kaaway, lagi siyang nakangiti. such a sweet and pleasant kid.

malaking kawalan si aj sa showbiz. he could have been the next john lloyd or piolo or jericho. pero may dahilan ang lahat. sa ngayon, may isang angel na nadagdag sa langit, to watch over us. and im sure, he's smiling from heaven, as he sees the outpouring of love from the people he left behind.

may you rest in peace, aj... you will forever be missed...

4 comments:

Ghabb Gerena said...

Sayang ! Mabait Naman Sia Eh Bakit Ganun ?

glar said...

i want to cry po.. i dont know why even i am not hs fan, i feel the sadness.. imagic po xguro ng kndness nya..

Anonymous said...

we will miss you aj, khit d kita mxado nppanood.. i know n mbait kng tao, and s dmi ng taong ngmmhal sau, nprove q, ur such an angel .. :( may you rest in peace,, we love you!

Anonymous said...

isa ako sa mga tagahanga ni AJ. at hanggang ngayon, every morning when i wake up, hindi pa rin ako makapaniwalang wala na xa. kahit hindi ko pa xa nakikita at nakilala ng personal, masasabi kong mabait xa. ang galing nyang artista.
habang nagbabasa po ako ng blog nyo, parang naiiyak na po ako. lucky pa nga po kayo at nakilala nyo xa at nakasama ng personal.