Saturday, June 25, 2011

kasentihan habang umuulan...

today i reread my secret blog. as in it's soooo secret, nobody knows its url. not even claring or ilai or my best friend bim. i created it in june 2007. at doon ko lang nilalabas lahat ng ayokong mabasa ng mga tao especially my friends. and today, i reread it again. ampathetic lang. pero tawang-tawa na ako ngayon sa mga entries ko doon...

tama nga iyong sinasabi nila... if you're feeling like you're the most miserable person because of a heartbreak, yung pakiramdam mo hindi mo na kaya dahil ang sakit-sakit na at hirap ka to get up in the morning kasi you're weighed down by so much sadness... just live one day at a time. hindi mo mapapansin. okay ka na... at tatawanan mo na lang iyong nangyari sayo...

***

somebody asked me a question in formspring... takot na daw ba ako ma in love ulit. naging jaded na daw ba ako. nabasa kasi niya ang blog ko, hindi na daw kasi ako na in love ulit since 2007. four years... sabi ko, hindi naman sa naging jaded na ako. siguro mas cautious lang ako ngayon. i don't wanna fall in love again just for the heck of it. believe me, meron naman nagbibigay ng kilig. meron naman nagpapangiti. pero ayoko naman kasi na pangunahan. one word: self-preservation.

***
the last time i went out on dates was in 2008. with B. when i downloaded pictures in friendster last month, i saw my pics with B. napaisip ako whatever happened to us. okay naman kami. pero yun nga, gaya ng sabi ko that time, he may be someone i want, but he's not what i need.

ilai said na parang candy lang si b. masarap pero walang substance. and with him, i find myself doing things im not supposed to do... kaya ako na talaga ang umiwas.

the last time we saw each other, he told me he met someone... "writer din sya tulad mo... graduate din ng UP... parang ikaw."

hindi ko pinanghihinayangan na nawala si B. sa ilang buwan na magkasama kami, ibang saya din naman ang naramdaman ko. pero that time, hindi siya ang lalakeng kailangan ko... magiging yaya lang ang labas ko. i wonder where he is right now... and kung ano na sya... at kung nag-mature na sya. 28 na sya ngayon. sana lang nag mature na nga sya!

pero yun nga... kung may namimiss ako... iyong feeling na huli kong naramamdaman sa tuwing magkasama kami ni b. iyong hindi maalis-alis ang ngiti sa mukha ko whenever i think of him. yung kahit anong bola sabihin nya, naniniwala ako. yun ang namimiss ko ngayon. nobody has made me feel that kind of feeling now...

3 comments:

MSY said...

hehe i know the feeling. minsan binabasa ko rin yung old blog ko. marami akong private posts dun e tapos natatawa na rin ako sa sarili ko. tama ka, nakakamiss lang yung kilig pero he's not what i need. di rin ako nanghihinayang. di bale, darating din yung para sa 'yo noreen. basta keep an open mind and open heart :)

noreen said...

naks. sino kaya dun ang "he's not what i need mo" :) andami eh hehe salamat, mich :) di na natuloy ang poker natin :)

Ilai said...

arrrrrhhhh....reading this, naisip ko, you quoted me...tapos pala kayo nagkatuluyan ni B...di nya kaya ako sakalin for comparing him to candy? Hahahaha!!! Wala lang...

Sunday ako na-senti...while watching How To Keep My Love...wala naman akong bf pero na-feel ko yung insecurities nya as a gf of 7 years.