Monday, July 18, 2011

naka-relate kay anna

a couple of weeks ago, nakatutok ako sa 100 days to heaven. wala akong pinalampas na episode. sabi ko nga sa tweets ko, lahat ng babaeng iniwan at niloko ng lalaking minahal nila, makakarelate kay anna manalastas. ang galing lang ng pagkakasulat ng mga episodes na yun... at naki-iyak ako kay xyriel when she talked about her pain and her heartbreak.

at heto ang pasabog na linya... "pinapatawad na kita, not because you deserve it... pero kailangan ko na palayain ang sarili ko sayo..."

dahil sa episode na iyun, parang gusto ko hanapin iyong isang taong nanakit sa akin para sabihing pinapatawad ko na sya. kahit di naman siya humihingi ng sorry. pero dahil ayoko naman siya hanapin. dito ko na lang sasabihin...

pinapatawad na kita... ayoko magka-kalyo. kung nanoood ka ng 100 days, am sure, naiintindihan mo ang kalyo reference sa entry na ito :)

No comments: