Thursday, July 28, 2011

para kang password...

"para kang password... hindi ko puwede kalimutan. pero puwede kong palitan." pak. nasagap ko lang sa net. at natuwa na ako. at may naalala.

iyong password ko sa email at sa lahat ng acount ko sa net (fb, twitter, forum, etc) ay iisa... at ilang taon ko na password yun. kapag nagkakaroon problema sa pag log in or kapag nagkakaroon threat na ma-hack, pinapalitan ko. pero ilang araw lang, balik din ako sa dating password. kasi iyun ang nakasanayan ko...

oo... nakasanayan na. parang chocolate pudding jelly bean lang.

"single na ulit si C," text ko kay ilai at claring a few weeks ago. nakita ko sa fb! wala na sila ng dyowa nya. heto na naman si chocolate pudding jelly bean. heto na naman ang lumang password.

oo, puwede kong palitan ang password. pero i choose not to... antanga lang...

"what if kayo pala talaga, no?" sabi sakin ni ilai. "wala na, lipas na," i told her. "sana noon pa..."

this isn't love... this is nostalgia.

1 comment:

raissa said...

"what if kayo pala talaga, no?" sabi sakin ni ilai. "wala na, lipas na," i told her. "sana noon pa..."

I love that part!! ako naman nung sinabihan ako ng ganun ng pinsan ko ang sabi ko "wag na!" LOL

"this isn't love... this is nostalgia."

Mismo!!