Thursday, August 11, 2011

birthday blues

birthday month ko na. in less than two weeks, birthday ko na. last week, nag-text, email at bbm na ako sa mga tao. inviting them to my birthday celebration. ito ang pinaka-engrande at mahal na birthday celebration ko. pero kasi naman, thanksgiving na rin to. sabi ko nga sa mga tao, this is my first birthday on my second life. kaya sige, isang malaking thanksgiving.

***

nung first week ng august, naramdaman ko na masenti. birthday blues. it's not okay, but it's normal. lahat ng tao pinagdadaanan ito. pero after how many days, okay na ulit ako. back to my usual kikay at kenkay self.

***

napag-uusapan na rin lang ang birthday, napa-reminisce ako sa mga naging birthdays ko in the past. mahigit tatlong dekada na rin naman ako nagbi-birthday. wala na lang banggitin ng year ha... pero magkukuwento lang ako...

noong 9th birthday ko, grade 3 ako sa assumption davao. may mga nagrarally malapit sa school. nagkaroon ng riot. so ang mga rallyista, tumakbo sa school namin para magtago. nagkagulo sa buong assumption. natigil ang mga klase. nagtago sila sa kumbento ng mga madre. takot na takot kami lahat. takbuhan galore. nakasabay ko sa pagtakbo iyong crush ko. tapos nahiwalay kami sa ibang kaklase namin. kami lang iyong nakarating sa 3rd floor. kami iyong magkasama. nagkakagulo na sa baba, pero kalandian pa rin ang nasa isip ko...

noong 16th birthday ko, kasama ko ang mga barkada ko -- si ilai, si ching, si jing at bilay. nanood kami ng sharon cuneta movie... tapos, kumain kami ng pizza. nilibre ko sila. first time ko nanlibre. noong high school kasi ako, hirap talaga kami sa pera. tatlong college (dalawa sa ateneo, isa sa UP) kasi pinapaaral nila plus ako. taxi driver ang tatay ko, may tindahan ang nanay ko. hindi kami mayaman. kaya noong binigyan ako ng pera dahil birthday ko, sobrang tuwang-tuwa ako. pero sa halip na ibili ko ng gusto ko, nilibre ko ang mga kaibigan ko. and isa iyun sa pinakamasayang birthday ko...

noong 20th birthday ko, dormer na ako noon sa UP. the night before my birthday, nag SM north kami. kasama ko iyong guy na super like ko. at iyong dalawang friends niya. binigyan niya ako ng stuffed toy na palaka. tinawag kong Olabs iyong stuffed toy. while i was out, hindi ko alam, iyong mga dormmates ko, may plinaplanong surprise na pala... pag-uwi ko sa dorm, birthday ko na, nagulat ako, nagkalat sa walls ng lobby ng dorm hanggang sa kuwarto ko, mga posters na gawa ng friends ko. surprise nila sa akin. lahat sila -- all 20 of them -- may gawang malalaking posters para sa akin. isa yun sa pinakamasayang birthday ko. first time na may nag-surprise sa akin. ang sarap pala kapag sinosopresa ka ng mga tao sa birthday mo -- i felt so loved.

noong 22nd birthday ko. lahat kami ng mga barkada ko, nasa first job na, or naghahanap ng trabaho. wala kaming pera. kumain lang kami sa greenwich. tapos doon kami nag-stay sa apartment ng barkada kong si ibiang -- lima kami noon. bumili kami ng tanduay. at dahil wala kaming pera. tubig ang chaser namin. lasing kami. pero masaya. laugh trip si cel at si ibiang, tawa lang sila ng tawa.

noong 23rd birthday ko, nag-a-apartment na ako with bim and lichelle. nagwo-work na ako bilang writer sa isang magazine. first time ko nag-party. claring baked an apple pie for me tapos nagbigay siya ng stuffed toy galing sa star animation, ang kanyang first job.

noong 24 ako. may dalawa akong crush at isang ka-pseudo relationship. at noong 24th birthday ko, nag-party ulit ako. at silang tatlo, andun! nakakaloka lang. iyun ang huling party ko noong 20s ako. magastos kasi mag-party...

noong 25 ako. walang party. walang celebration. pero sinorpresa na naman ako ng mga friends ko. i was supposed to meet my friend lhen sa megamall. na-depress daw sya kaya kailangan niya kausap. birthday ko yun, dapat moment ko iyun pero sumige ako. nagkita kami sa megamall. at pagdating ko ng mega, nagulat ako -- andun lahat ng close friends ko. sinopresa ako. nag dinner kami at nag-videoke. iyun ang last na birthday ko na may nag-surprise sa akin...

noong 30th birthday ko. nag bangkok ako with claring and jan. first out of the country trip. hindi pa uso ang sale ng cebupac noon kaya medyo malaki ang gastos. 16k ata pamasahe at hotel namin. sobrang grateful ako kay jan at claring na sinamahan nila ako. kahit na lahat kami, hirap sa pera that time.

31st birthday ko, nag party ulit ako. self-centered kasi talaga ako. gusto ko ng party. gusto ko ng masaya. plus, may lovelife ako nito. sa pool area ng condo namin sa mandaluyong. dapat swimming party. pero walang nagdala ng swimsuits. kaya ayun, party by the pool na lang...

33rd birthday ko. the day before my birthday, nag rent ako ng bar sa QC. ito ang pinakamagastos ko na party. kinse mil ata ginastos ko. pero kumikita na rin kasi ako sa abs, saka parang sharing the blessing na rin. andun halos lahat ng kaibigan ko. it was a fun night. and then noong mismong birthday ko, tumawag nanay ko. sinugod daw sa ICU ang tatay ko. umuwi agad ako ng davao. birthday ko, nasa eroplano ako. umiiyak. hindi ko alam kung dadatnan ko ng buhay ang tatay ko. dahil sa pagka-ICU ng tatay ko, doon namin nalaman na may cancer na pala siya.

last year, first birthday ko na wala na ang tatay ko. at first birthday ko na may kontrata na ako sa abs. kaya nag-celebrate din ako, parang thanksgiving na rin with my friends from the network. biglaan lang. sa isang resto sa tomas morato. umattend ang mga boss ko. andun lahat ng friends ko from the network. may psychic na nagkataong nandoon sa resto na iyun. hinulaan nya ako. di ko na matandaan ang mga sinabi niya. pero parang winarningan niya ako na ingatan ko ang health ko...

nag agaw-buhay ako last january. last year could have been my last birthday. pero mabait si Lord. binigyan pa niya ako ng chance... kaya heto, sa birthday ko, may bonggang-bonggang party. parang pasasalamat. kasi andito pa rin ako. kasi, buhay pa ako. at maraming dahilan para maging masaya ako...

wala akong karapatan mag birthday blues. maraming nagmamahal sa akin. maganda ang takbo ng career ko (my binondo girl, sa aug 22 na!) at higit sa lahat... buhay ako...parang hindi ako na-coma, parang walang nangyari...

wala akong karapatan magsenti at magpatalo sa birthday blues...

1 comment:

Ilai said...

Nasesenti rin naman ako pag malapit na birthday ko...i'm so touchy umiiyak ako at the slightest provocation.

Pero ikaw, oo...wag ka na masenti at sobrang loved ka nga, spoiled ka sa amin.