Sunday, August 14, 2011

wan tru lab

"ano ka ba, twenty years ka na naghahabol sa kanya. kung talagang para kayo sa isa't isa, sana noon pa. kaya awat na teh. tigil mo na ang ilusyon mo na magkakatuluyan kayo." --> a line from a wansapanataym script i wrote. ipapalabas na next saturday. wan tru lab ang title. isa siya sa pinaka-masayang script na nasulat ko. hindi ako nakakarelate.

yung first draft ng script, tawang-tawa ako. mahirap gumawa ng script na nakakatawa. kaya bago magsulat, kinondisyon ko muna sarili ko. at nung sinubmit ko yung draft one, tinext ako ng EP ko. hindi pa daw nya tapos basahin, tawa na siya ng tawa sa mga dialogues. tapos nag text sya ulit. "nakakatawa ang script mo." sabi ko sa kanya, andami ko na nasulat na wansa, ngayon lang siya nagtext na natawa siya.

sabi din ng mga boss ko, nakakatawa ang script. kaso, hindi nila gusto yung kuwento. so sa draft two, ibang-iba na ang script. hindi ko lang alam kung lalabas pa rin na nakakatawa dahil nabago na mga eksena.

mahirap magsulat ng komedi. mahirap magsulat ng nakakakilig. mahirap magsulat. period. pero sa tuwing nakakatapos ako ng script, masaya ako. kaya ayos lang iyun hirap kung may kasunod naman na saya...

No comments: