Saturday, September 17, 2011

careful, careful...

sinabi ng friend kong si michiko sa blog niya (di ko na ili-link, baka ayaw niya magpa-stalk) na andali na lang mag-stalk ng tao ngayon dahil sa fb, twitter at foursquare. lalo na ang foursquare! isang check lang doon, alam mo na kung nasaan ang taong isa-stalk mo.

may four square ako. pero hindi ko ina-accept ang invites ng kung sino lang. thus, puro kakilala ko lang iyong nakakaalam kung nasan ako. minsan nili-link ko sa fb (na puro kakilala ko lang din ang friends ko) or twitter kung nasa matao at safe na lugar ako like malls, or sa abs. hindi ko brino-broadcast kung san ako nakatira or saan ako naglalamyerda. but still, my friend mich has a point. ingat lang sa pag-post ng inyong whereabouts.

iba na ang web ngayon. dati, mga 10 years ago, nagba-blog ako ng walang nakakakilala sa akin. noringai na ang username na gamit ko pero hindi naman lahat ng tao alam ang blog. ngayon, kahit iyong mga pamangkin ko, nababasa na ang blog ko.

my niece steffi once said, "tita, i read your blog. who's c and sb?" and i was shocked. steffi was only 4 when i started blogging. i never thought this day would come -- my nieces would grow old, have free access to the internet, and lots of vacant time to google me and read my blog.

wala na iyong first two blogs ko (sa opendiary saka sa blog-city) pero still, i cringe whenever i think of my family members reading my entries in multiply and blogger.

heck, even my big boss reads my blog. he told me last week. habang nasa hospital daw ako noon, may nagsabi daw sa kanya (my guess is my former director who chanced upon my blog while he was searching for a common friend) at yun na, ilang oras daw niya binasa ang mga kuwento ng buhay ko.

so dapat talaga mag-ingat sa lahat ng sinasabi at nilalagay sa internet. kasi may repercussion iyan sa present, or they will come to haunt you years from now.

2 comments:

ihcahieh said...

I love this post because it is so true. Nakakatawa na lang ngayon kapag may nagrereklamo about privacy na kesyo nag leak ang nude pics nila or what. Hello, public na kaya lahat ngayon. What technology does to people. Everyone feels like a celebrity na kasi nowadays, lol.

noreen said...

ihcahieh, kaya di na ako masyado nagpo-post sa peyups ngayon. di mo alam kung saan nakakarating ang mga sinasabi ko sa internet. mamaya, mapa-opis ako. wahahaha