Wednesday, September 14, 2011

magkano ang buhay mo?

kapag nakakarinig ako ng mga kidnap for ransom cases, napapatanong ako, magkano kaya ang value ng buhay ng isang tao?

and this year, naisip ko, parang may maisasagot na ako kung magkano ang value ng buhay ko -- 2 million.

some of you know i had ruptured aneurysm last january. was in the icu, comatose, and had brain surgery.

at ang second life ko ngayon, dalawang milyon ang halaga. dahil yun ang ginastos namin sa hospital at sa mga doctor...

***

the other week, my colleague was talking about a condo for sale. tinuro ko lang iyong stitches sa noo ko at sinabing, "heto, heto ang condo at kotse ko ngayon..."

she said sayang yung dalawang milyon. nakakapanghinayang. pero sagot ko, "buhay naman ako."

kahit siguro limang milyon o dalawang daang milyon pa iyan, kung ang kapalit naman ang buhay ko -- okay lang. kahit sino naman siguro yun ang gagawin. buhay naman talaga ang pinaka mahalaga.

hindi lahat nabibigyan ng chance para mabuhay.

***
oo nga andami kong namimiss gawin. andami kong sakripisyo at pagtitipid at pagku-compromise dahil sa ginastos ko. hanggang ngayon nagsusulat ako para makabayad ng utang.

pero hindi naman ako pinapabayaan ni Lord. sobrang galing nga eh, He uses people around me as an instrument.

noong bumalik ako sa work noong march, isang milyon ang utang ko. pero six months after, kalahati na lang. sana tuloy-tuloy na work pa, at mabubura na ang utang na iyan in one year.

***
hanggang ngayon, i am still haunted by what happened to me. kapag nahihilo ako or sumasakit ulo, napapa-paranoid na ako. until now, natatakot pa rin ako kapag naaalala ko iyong gabing nasugod ako sa hospital. and my family and friends -- iyong scare na nabigay ko sa kanila -- ayoko na maulit. kawawa nanay ko. ayoko na ma-stress ang mga kaibigan ko. huwag na sana maulit...

kaya am taking care of myself more...

***
magkano ang value ng buhay mo? hindi 2 million or 200 million. dahil ang buhay -- priceless. hindi kayang tapatan ng pera. malalaman mo lang ito, kapag naranasan mo na muntikan na itong mawala sa iyo. doon mo lang mare-realize, hindi kayang tumbasan ng pera ang fact na andito ka pa sa mundong ito, kasama ang mga taong mahal mo...

No comments: