Monday, October 17, 2011

ano ba pangarap mo?

ten years ago, year 2001, na-define ko na sa sarili ko kung ano talaga ang pangarap ko... dream ko magsulat sa tv o sa sine. gusto ko makita ng mga tao ang pangalan ko sa screen tapos sasabihin nila, "uy, si noreen capili! kilala ko iyan... i went to high school/college with her." ang simple at ang babaw lang ng pangarap ko pero ten years ago, parang napakahirap nito abutin.

noong 2001, nagtatrabaho ako sa isang maliit na kompanya sa ortigas bilang technical writer. ano ang technical writer? nagsusulat ng manual. 9am to 6pm ang trabaho pero madalas, wala akong ginagawa... mag-internet lang at mag-blog. and i was so miserable sa buhay ko. kasi, anlayo ng ginagawa ko sa gusto ko talagang gawin. pero naisip ko. tumatanggap ako 13k a month. okay na ito...

noong 2003, lumipat ako ng trabaho. sikat at multinational na kompanya. -- magsaysay group of companies. 14k ang suweldo bilang web writer. nagsusulat ng mga article para sa website ng mga seafarers. after six months, naging regular employee ako at napromote sa pagiging web editor. nagkaroon ng increase sa suweldo. stable na kompanya. maraming benefits. nasabi ko sa sarili ko. "ang ganda dito... i see myself growing old in this company."

and then i remembered my dream of writing for tv and movies. iyong best friend kong si bim, pinautang ako ng pera para makabili ako ng sariling computer. bumili ako ng clone pc sa greenhills, 12k! (isang taon kong hinuhulugan ng 1k a month ang utang na iyun!)

that year, nalaman ko na ang college professor ko na isang creative head sa gma ay may gagawing workshop/mentorship para sa gustong magsulat sa tv. nag-apply ako. hindi ako natanggap.

year 2004, habang nasa opisina ako sa 38 floor sa ayala avenue, nakita ko sa web na may writing workshop sa abs-cbn. nag-apply ako. after one week, sinabi ni claring, may workshop din daw ang gma. nag-apply ulit ako. tapos heto pa, may workshop din ang star cinema... nag-apply din ako!

in october 2004, sabay-sabay akong nag-apply sa tatlong workshop. at dalawa ang tumanggap sa akin -- abs-cbn at star cinema.

january 2005. sabay din akong kinausap ng abs-cbn at star cinema. pareho nila akong gustong kunin na writer. sabi ko, "shet! heto na iyun!" kaso, may trabaho ako sa makati. ano gagawin ko? so i asked direk joey reyes. hindi kami close that time. pero naglakas loob ako na magtanong sa kanya. "ano po gagawin ko?"

he told me to choose abs-cbn over star cinema. pero i shouldn't leave my job in magsaysay. "walang kasiguraduhan ang showbiz. hindi stable. kung wala kang show, wala kang susuwelduhin... "

two years after i started writing for abs-cbn, i quit my corporate job. isang malaking bahala na iyun. pero hindi ko pinagsisisihan... ginawa ko iyun para matupad ang simple at mababaw na pangarap ko.

ngayon, laging sinasabi ng mga kaklase ko na tuwang-tuwa sila kapag nakikita nila ang pangalan ko sa tv. lagi daw nila pinagmamalaki na "kilala ko iyang si noreen capili na iyan! kaklase ko iyan noong high school."

ang daming "what if" sa buhay ko... kung natanggap ako sa workshop na unang inapply-an ko. magiging writer sa tv pa rin ba ako? sa gma na ba ako? kung pinili ko ang star cinema over abs-cbn, nagka-pelikula na kaya ako? kung hindi ako nagresign sa magsaysay, mabibigyan kaya ako ng break ng abs na magsulat sa soap?

pero heto lang ang masasabi ko... dahil sa blog ako ng blog noong technical writer ako sa ortigas nahasa ang writing skills ko. sa magsaysay, habang naghahanap ng news para sa mga seafarers, doon ko nakita ang news item tungkol sa abs-cbn workshop. dahil sa makati office ako nagka-lovelife, nagamit ko ang mga karanasan ko sa mga sinusulat ko.

at narealize ko, kung may pangarap ka pala, at gusto mo talaga mangyari ito, gagawa ng paraan ang universe para makuha mo ito... anlayo ko na doon sa noreen ten years ago na nangangarap makita ang pangalan sa screen pero grateful ako sa mga trabaho ko at mga pinagdaanan ko dahil iyun ang ginagamit ko sa pagtupad ng pangarap ko.

ten years ago, malinaw kong sinabi sa sarili ko kung ano talaga ang pangarap ko. seven years ago, gumawa ako ng paraan para matupad iyun. and this year, isa ako sa mga kapamilya awardee dahil five years na ako sa abs-cbn.

ikaw, ano ang pangarap mo?

12 comments:

ihcahieh said...
This comment has been removed by the author.
ihcahieh said...

Wow. You ten years ago is what I am now, and I am just starting today Tech Writer din. Hahaha.

As for me, ewan. Andun na rin yung "Ito na yun!" moment in terms of lucky breaks I've been getting that are giving me more resources in terms of time and money. But I have yet to figure out kung saan ako susugal. Ang problema ko kasi masyado kong maraming gusto, e mag isa lang naman ako.

Nakakatakot kasi alam mo andiyan na yung resources. Decision na lang kung saan ka susugal. Scary na sa sobrang dami ng choices, you end up with none kasi instead of going for one, you just over analyzed it, until the opportunity has gone away. Or you chased them all at the same time and caught none.

It's good that you have found yours. Very insightful entry. I love it.

=)

Jimpy Anarcon said...

Nakakainspire ka talaga Miss Noreen! :)) Goodluck po sa My Binondo napakaganda. Siguro may pinaghuhugutan ka din doon? Haha joke. Tututukan ko po talaga ang career ninyo hanggang sa maging creative manager ka na. :))) sana magkita din tayo sa ABS after 5 years! :D

noreen said...

ihcahieh, andami-dami ko rin naman gusto. gusto ko magsulat sa tv. sa pelikula. gusto ko manalo sa palanca (pero minsan lang ako sumali). gusto ko magsulat ng libro. gusto ko mag-asawa (chos!)

pero kailangan mamili kung ano yung feasible talaga. at kung ano ang swak sa mga panahong iyun. :)

you mentioned the word "sugal." it's really a gamble. nung nag quit ako sa trabaho ko na sinuswelduhan ako every month ke me gawin ako o wala. sugal talaga iyun. nung nag-counter sa resignation ko ang magsaysay, gusto na ako gawin manager at dadagdagan 10k ang suweldo ko wag lang ako mag-resign, it was tempting. pero i went on sa abs.

lahat ng tao, di sangayon sa pagresign ko sa magsaysay. isang malaking risk yun. pero dinaan ko lang sa dasal, hindi naman ako pinabayaan.

ngayon, iyong isang taong suweldo ko sa magsaysay, pwede ko na kitain ng isang buwan sa abs. minsan, doble pa dun. pero bago ko narating ito, sumugal muna ako. ganoon ata kasi talaga ang buhay.

if you're still in your early 20s, okay lang mag-explore. if you're in your late 20s na, sabi nga ng isang quote, "it's never too late to be what you might have been."

good luck :)

ihcahieh said...

Salamat sa words of encouragement. It's always nice to hear from people who have experienced what I am experiencing now. Nakaka inspire. =)

kalansaycollector said...

aw. ang ganda po nito. hehe
i also work in ABS. :p

though sa ibang unit. :)

Joyceey Herodias said...
This comment has been removed by the author.
Joyceey Herodias said...

I really want to be a script writer, nung high-school po ako, ako ang pinagsulat ng teacher namin sa mga play ng Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere, at El Filibusterismo. Wala akong tulog sa pagsusulat ng epiktibo at makatang script para dun. Sa Florante at Laura ako nahirapan, tatlong beses sakin pinaulit ng Filipino teacher namin yung script ko.. at dalawang linggo ako walang tulog.


Sa dalawang Filipino teacher sa maliit na eskwelahan namin, 2nd year Filipino subject lang ang handle ng teacher na yun at hindi ko na matandaan ang iba pa nyang handle.


Ang hindi ko alam, pinagawa ng teacher namin yung best-friend ko nung script. Isang gabi lang daw nya pinagpuyatan yung script, at sabay kinabukasan pinasa. Sa pangatlong pagpasa ko, rejected na naman dahil pinili ng teacher namin yung script ng best friend ko.
Alam ko talagang magaling sya, napaka effortless nya sa pagsusulat. Kahit anong tema pa kayang kaya nyang gawin at palawakin. Kung hindi lang sya kumuha ng kursong psychology at pinili nya ang journalism o literature, malamang sisikat syang writer balang araw.


Sa El Fili naman, ako pa din yung pinagsulat, ibang teacher na. Pero hindi ako nagpasa at ganun din naman yung best friend ko. Iba na yung nagsulat pero basta sobrang gulo bago mag-play.


Pagpasok ko sa UST as a Behavioral Student, sa halos apat na taon ko dito, isang beses lang ako nagtanggkang sumali sa writing workshop, yun yung summer workshop noong 2010, buhay pa noon si Prof. Ophelia Dimalanta at syempre gusto kong maranasang magturo si Prof. Eros Atalia kasi crush ko sya! Hahaha.. Pero higit sa lahat isang napaka laking pribelehiyo kung sakaling maranasan mo magturo sayo si Prof. Dimalanta!!


Sa buong isang linggo kong pinagpuyatan ang mga tula, and over the weekend natapos ko yung maikling kwento.Kaso hindi ako tumuloy magpasa, kasi, kaylangan ng credentials sa files na ipapasa kasama ang mga tula at isang maikling kwento. Echos lang pala ang mga gawa ko.


Hindi sa wala akong lakas ng loob... wala naman kasi akong credentials ee... Isang malaking factor yun kung iisipin mo para makapasok sa limited na maisasali sa free workshop na yun.


Katulad mo Miss Noreen, since high-school, gusto ko talagang maging script writer. Nangako ako sa sarili ko, kapag graduate ko ng college hindi na ako magaatubiling tuparin ang mga pangarap ko!

noreen said...

joyceey. hindi naman kailangan ng magandang credentials kung talagang gusto mo maging writer. in college, wala ako na=attend-an na mga writing workshops other than the creative writing classes sa UP. minsan talaga, it's the right timing lang talaga. at siyempre, emotions. yun ang pinaka-importante sa writer. yung emotional siya at nalalabas niya ito sa mga sinusulat nya. good luck :)

jimpy, basta sulat ka lang sulat. go go go

kalansay. wow. parang kelan lang, nagco-comment ka lang sa blog ko. now, kapamilya ka na rin :)

BabyPink said...

Nakaka-inspire naman! I'm really happy for you.

In fairness, I started reading your blog even before you started writing for ABS-CBN! Kaya tuwang-tuwa din ako kapag nakikita ko name mo sa TV at sinasabi ko sa nanay at kapatid ko na kilala kita.

Mabuhay ka, Miss N! :)

Anonymous said...

Hi Noreen1 Pag nalulungkot ako at nawawalan ng pag-asa na maaabot ko pa yung pangarap ko, nagbabasa ko ng blog mo. Kasi alam ko na after ko mabasa yung mga posts mo tungkol sa kung pano mo natupad yung mga pangarap mo, lumalakas yung loob ko, na baka yung sakin pwede ring matupad.

Pangarap ko rin maging writer. Bata palang ako alam kong yun na talaga gusto kong gawin. Yun yung kinuha kong kurso nung college ako, pero pag graduate ko, sa call center ako napapadpad, kasi pag nagaapply ako bilang writer, walang tumatanggap, wala daw akong experience. Pano ko magkakaroon ng experience bilang writer, wala naman nagbigay ng chance sakin magkaroon ng experience.

For a while nag stay ako sa call center, kasi kailangan ng pera. After 5 years nagdesisyon ako na sundin ang pangarap kong magsulat. Sumugal ako, iniwan ko ang cal center at sumubok na mag apply kahit bilang assistant lang. Ang hirap, laging walang chance, kasi wala akong experience. Isang taon na akong walang trabaho, isang taon na nagsusulat online, pero wala paring trabaho. I am this close to giving up my dream of being a writer kasi mauubos na ang ipon ko.
Sumubok ako ulit mag apply sa mga call center, pero pag final interview na hindi ko na sinisipot, kasi nadudurog ang puso ko. Pakiramdam ko, bawat exam at interview na ipinapasa ko para makapasok ng call center, nalalagas yung konting hibla nalang na nagbibigkis sakin at sa pangarap ko.

Ang hirap Noreen, kaya natutuwa ako pag nababasa ko yung mga sinusulat mo, kasi dahil sayo, naniniwala ako na ang pangarap pwedeng magkatotoo.

Pwede kong sabihin na naiinggit ako sayo, pero kahit sabihin ko yun, mas malaki yung porsyento na natutuwa ako, kasi hindi ka madamot sa pagkwento kung pano mo natupad yung pangarap mo.

Pwede akong mamatay ng hindi ko natutupad yun, okay lang sakin, malulunok ko kung hindi yun yung kapalaran ko. Pero alam mo yung dumudurog sa puso ko, yung nakikita ko yung sakit na nararamdaman ng mga magulang ko tuwing nabibigo ako. Kasi kahit itago ko, nararamdaman nila sa tuwing namamatay yung bahagi ng pagkatao ko pag nabibigo ako.

Pwede akong magkahanap ng trabaho ng mabilisan, pero yung trabaho na hindi ko naman gusto. Siguro maiintindihan mo ako kung sasabihin ko na pagod narin akong magtrabaho sa isang industriya na alam kong hindi ako magiging masaya. Malaki respeto ko sa mga nagttrabaho sa mga call center, matatapang sila at masisigasig, kasi kahit karamihan sa kanila hindi yun yung pangarap, ginagawa parin nila, para kumita ng pera at makatulong sa pamilya. Hindi tulad ko, matapang na duwag.

Matapang akong iwanan ang dati kong trabaho para sundin yung pangarap ko. Pero ngayung kailangan ko nang bumalik para kumita ng pera, naduduwag ako. Naduduwag ako na mamatay nalang yung pangarap ko. Pero hindi ko alam kung may puwang bako sa mundo ng pagsusulat.

Masuwerte ka Noreen, kasi nabiyayaan ka ng talento. Kampante ako sa talento ko, pero hindi ako nabiyayaan ng pagkakataon na maipakita ito tulad ng naibiyaya sayo. Pero tulad ng naisulat ko kanina, isa ka sa nagpapalakas ng loob ko.

Salamat sa pagiging inspirasyon samga tulad kong nangangarap na maging manunulat na katulad mo.

wag ka magfreak out ha, naishare ko lang, hindi ako stalker o kung ano man, babae rin ako. At tulad mo, may sisig din ako sa buhay ko :)

noreen said...

hi anonymous.

in 2004, i wrote a screenplay as my final requirement in star cinema workshop. the protagonist was a girl who wanted to be a writer, pero dahil walang experience, at walang ibang mapasukan, she became a call center agent. hindi niya gusto ang work na ito pero dahil na-dishearten na siya sa mga rejections, nag-settle na lang siya doon. "mabuti na ito kesa wala" ang mentality niya. and this extends to her personal relationship (sa lovelife) at sa how she lives her life. and since this was written for a mainstream film at hindi indie, happy ending syempre. she finally quit, and found the perfect job as a writer and found the guy who treats her right.

parang ikaw lang din ito, at how many years ago, ako ay ikaw din :)

naniniwala ako na hindi kailangan ng experience para maging magaling na writer. ang dapat ay may puso sa sinusulat mo. hindi lahat ng kompanya naghahanap ng experience. iyong iba, ang kailangan nila ay kuwento. ano makukuwento mo? ano mabibigay mo? ano mao-o-offer mo na bago?

naniniwala ako na darating din ang kompanyang magbibigay ng break sa yo.

wag ka lang mawawalan ng pag-asa. it took me eight years to finally land in my dream job. along the way, nadidisappoint din ako at nafufrustrate pero pray ka lang and don't lose hope.

good luck :)