Friday, October 21, 2011

isang blog entry tungkol sa sisig

sa pilot week ng budoy, may character na namatay dahil kumain siya ng maraming sisig. tawang-tawa talaga ako noong nakita ko lahat ng tweets about sisig sa twitter.

sabi ni claring, baka daw kasi nabasa ng boss ko noon ang blog entries ko kaya nagamit iyong sisig sa eksena.

nasabi ko ba na while i was in the icu, may nagturo sa big boss ko about my blog at three days daw niya binabalikan ang blog ko para basahin ang mga kuwento ng buhay ko noon... nakakalokah! noong sinabi niya sa akin, kinuwento pa niya yung mga nabasa niya at nagtanong kung sino yung lalakeng iyun. mas nakakalokah!

nine months na ako hindi kumakain ng sisig. as in mula ng mahospital ako, kahit tumikim di ko ginawa. nag-lechon na ako. crispy pata. kare kare at lechon kawali. pero sisig? never...

nung huling nakakita ako ng sisig, yung videoke with alessandra. inalok sa akin yung sisig pero parang diring-diri ako.

possible pala iyun no? possible pala na iyong dating gustong-gusto mo, ni ayaw mo na tingnan ngayon...

(kung hindi mo naintindihan ang entry na ito, hanapin sa kanan ng blog na ito ang mga may tags na sisig at maiintindihan mo :) )

No comments: