Friday, October 21, 2011

muntikan

noong monday, muntikan na ako magbayad ng reservation fee para sa isang condo. as in buti na lang di ko dala cheke ko or else nag issue na ako. it was so tempting. yung amortization ng downpayment, same amount lang ng binabayaran ko sa renta ko ngayon. tapos pwede mag-umpisa sa march next year. at yung balance, kaya ko naman na siguro ipunin iyun ng three years. as in i was thisclose to buying a condo. buti na lang nahimasmasan ako. naalala ko, may half a million utang pa ako dahil sa aneurysm ko. kailangan ko muna bayaran yun bago ako kumuha ng magagastusan.

kahapon, muntikan na ako sumama sa hongkong-macau trip ng mga friends ko sa abs. nakuha nila iyong ticket nila noong august pa. promo kasi. binubuyo nila ako na sumama. hindi pa ako nakakapag hk at macau. gusto ko mag disneyland. gusto ko magshopping. naisip ko, kaya siguro hindi muna ako bumili ng condo, para magtravel daw muna ako ng magtravel. kagabi, tumingin na ako ng tickets online. iyong friend kong si danica, nagpadala na ng link ng hotel and tours na kukunin namin. hawak ko na ang credit card ko at isang click na lang, may ticket na ako to hk and macau. pero nahimasmasan ulit ako. 15k ang hotel and airfare. 20k ang masayang pocketmoney. 35k ang gagastusin ko sa biyaheng iyun. bigla akong napatingin sa bagong biling recliner na inuupuan ko. katumbas na sya halos ng hotel at airfare at hindi pa bayad yun. kaya ni-close ko ang window ng cebupac at nag bbm kay danica para sabihing pass na muna ako dahil ang dami ko ng gastos sa buwan na ito.

angdami ko gusto gawin. ang dami kong gusto bilhin. ang dami kong gusto puntahan. pero hindi tulad ng dati, mas conscious na ako ngayon sa pera ko... sabi ko nga sa blog entry na ito, kailangan ko muna maghigpit sinturon. nakakalimutan ko na naman magtipid noong unti-unti na namang pumasok ang sunod-sunod na TF pero buti, napipigilan ko ang sarili ko. muntik-muntikan lang...

No comments: