Wednesday, November 30, 2011

five


last week, i was one of the kapamilya service awardees... five years, baby! and during the awarding ceremony, i couldn't help but reminisce... i never thought i'd still be here after five years. pero, siguro, ito talaga ang plano ng Diyos para sa akin... at isang bagay na natutunan ko sa five years na iyun -- if something is meant to be yours, it will be yours. may mga bagay na nangyayari para maantala o para mabago ang takbo ng buhay mo pero in the end, sayo pa rin ito...

when we finished the abs-cbn comedy writing workshop in january of that year, i was handpicked to be in the supposed sitcom of the megastar. but she backed out and opted for a talk show.

i remember being disappointed with the news. i wanted to be part of a sitcom, not a talk show. but then, sino ba ako para mamili? i remember composing a text message to direk joey to ask him to include me in the sitcom bora. gusto ko talaga ng sitcom. pero on the last minute, i deleted the message before i could send it. nagdasal na lang ako.

it took us one year to plan for sharon's talk show. and during the planning stage, nagkaroon ng isa pang sitcom si direk joey, madalian. at sinama niya ako doon. sobrang saya ko. sitcom din pala ang magiging first show ko -- my juan and only. and it was aired in may 2005.

eight months lang ang tinagal ng sitcom. when it ended in january 2006, i got a call from my executive producer after one week. isasama daw ako sa your song. ginagawa ko ang your song habang may trabaho ako sa ayala. at habang binubuo pa rin namin ang sharon.

that year, pinalabas na rin finally ang sharon. pero after a couple of months, i left the show. hindi keri kung may day job ako tapos nagsha-sharon pa ako.

i learned from my Prog Manager that i was supposed to be part of the show let's go. pero siguro hindi meant sa akin ang show na iyun. kinuha na lang ako ng PM ko para sa star magic presents. pero never ako nabigyan ng assignment ng headwriter ng smp kaya wala ring nangyari.

one year na ako nagyo-your song at nabibigyan na ako ng assignment sa love spell when i finally resigned from my day job at nag-full time ako sa abs. one week after i tendered my resignation letter, i got a text from an unknown number, kasama daw ako sa bagong soap ni claudine. as in naiyak ako sa tuwa noong nakuha ko iyong text na iyun. napa-thank you lord ako.

habang ginagawa namin ang claudine soap. i got a text from another unknown number -- pinapa-attend ako ng meeting ng ginagawang soap ni kristine hermosa. hindi ako nakapunta. at hindi na ako tinext ulit.

a few months after, pinalabas na ang prinsesa ng banyera, my could-have-been first soap.

isa pang natutunan ko sa showbiz, walang kasiguraduhan ang mga bagay... lahat puwedeng magbago sa isang iglap. nagkaroon ng changes sa claudine soap. at hindi na ako kasama sa creative team.

kasabay ng pagkawala ng claudine soap sa akin, may dumating na bago -- tatlo. sequel ng super inggo, utoy, saka isa pang drama soap. pero hindi rin natuloy ang tatlong soaps na ito.

2008 nang umere ang unang soap ko -- ang dyosa. pero parang hindi counted dahil hindi naman ako nakapagsulat doon.

kaya pala hindi ako nakasama sa banyera at sa claudine soap, kaya pala hindi natuloy iyong tatlong soaps ko dapat, kaya pala hindi ako nakapagsulat sa dyosa -- kasi ang magiging unang soap ko pala sa abs-cbn ay katorse.

at ang katorse ang isa sa pinaka-favorite shows ko na nagawa.

after katorse, dumating si rubi. ang idol. si sabel. ang green rose. may george n cecil saka wansapanataym on the side. naka dalawang precious hearts romance din ako. at siyempre, ang your song na pinakamatagal kong show.

after kong mag-leave ng ilang buwan at bumalik ako noong april, sinama ako sa mutya. nang matapos ang mutya, pina-buo sa akin ang isang afternoon soap (na hindi natuloy), at ang walang hanggan (na ipapalabas na next year). tapos, sinama din ako sa my binondo girl.

looking back, i realized eleven ang could-have been shows ko. pero okay lang. dahil sa 11 na nawala, heto naman ang kapalit: katorse, rubi, idol, sabel, green rose, mutya, my binondo girl, phr presents you're mine only mine, love me again, your song presents muntik na kitang minahal, kapag ako ay nagmahal, sayang na sayang, i'll take care of you, million miles away, someone like you, my only hope, underage, boystown, isla, maling akala, beautiful girl.

im on my 6th year... sabi nila, kapag gusto mo ang ginagawa mo, hindi mo napapansin ang oras. and indeed, five years went by swiftly, dahil this has been my dream... this is my passion. this is my life...

2 comments:

chel said...

luv your story mam...

Faith said...

ms. noreen! kasama ka pala sa mbg at walang hanggan. :) congrats. super fun ng mbg!