Tuesday, November 8, 2011

party of the year

today is the birthday of the best boss in the world... sir deo endrinal.

he keeps on inspiring and motivating us to do our best in coming up with exceptional shows. he earns all our love, admiration and respect, not because of his position, but because he deserves it. and he never ceases to amaze us with his brilliant and creative ideas.

happy birthday, sir deo! we love you!!!

***

last saturday, i was invited to his chillout party at the top of the citi in makati. sir deo sent me a bbm about the details of his party. ako na ang mababaw... na-excite ako ng sobra dahil sir deo's birthday has always been THE party of the year.

i was first invited to his birthday party in 2007. it was held at the embassy in the fort. my first time to attend a syala party kaya i had to buy clothes for that. it was also my first time to party with the stars. and i did something regrettable that night dahil sa limang frozen margarita.

the year after, the party was held in moksha and ito na ang pinaka-favorite ko sa lahat ng birthday party na na-attend-an ko. dito ako pinakamasaya. as usual, nalasing ako at kung kelan naman nakatabi ko si zanjoe, dun pa ako natumba and he was quick enough to catch me at tinayo ako. ayaw maniwala ng mga kaibigan ko na hindi ko sinadya iyon... akala nila, gumawa ako ng paraan para magka-moment with zanjoe. here's the full story of what happened in that party.

the party in 2009 was the pinaka-tahimik sa mga parties. walang sayawan, walang loud music. but that was also the most intimate. it was held in M cafe in greenbelt. si zanjoe pa rin ang highlight ng gabi ko.


last year, we were in a bar in ortigas. may inuman, walang sayawan pero ang pinaka natatandaan ko lang, galing si jessy sa taping at sinundo ko siya sa labas ng bar kasi nahihiya siyang pumasok. after the party, my friends and i went to banchetto para mag food trip. dahil naka killer heels kami ni danica, naghubad kami ng sapatos at naglakad ng naka-paa.

parang ganito din ang nangyari sa party last saturday. may expiration talaga ang pagiging babae ko. kaya four hours of standing and dancing in my stilettos, naghubad na ako ng sapatos at nag-paa na lang.

i wasn't supposed to wear stilettos. ang plano ko -- jeans lang and a decent top, tapos yung wedge. but then i was told that i had to wear a dress. "parang new york party ito, walang naka-jeans," bbm sa akin ng nandoon na sa party.

napilitan akong maghagilap ng dress na masusuot. i decided to wear a plain black dress na first and last kong nasuot three or four years ago, sa palanca award ni claring sa manila pen. at dahil naka-dress ako, i had to wear high heels.


the party was fun. dinaanan ako ni jessy and sabay kami pumunta sa party. we were seated sa corner and kiray joined us. napag-usapan naming tatlo ang tungkol sa wansapanataym na ginawa ko, at si kiray at jessy ang artista. that was one of my fave wansa episodes.

maya-maya, dumadami na ang mga artista. dumaan si jake para lumabas and then he stopped and went back para dumaan sa table namin at batiin kami. he shouted, "noringai!" before giving me a really tight hug.

jessy and i were on our way to the cr when i bumped into echo. he was so glad to see me because we haven't seen each other since i was hospitalized. he was so concern about me, "what are you drinking? are you allowed to drink?" he asked. he hugged me again, tapos he told our GR director, "si noreen o!" na parang tuwang-tuwa siya na makita ako. i so love echo!

lumapit si xian sa amin ni jessy and asked, "close kayo ni jessy, no? bakit kayo close?" si jessy na ang sumagot sa tanong ni xian. si ejay naman, niloloko ako. "kume-cleavage ka na ngayon ah," he told me. i said, "ako talaga ang original na nene."

ang highlight ng gabi ko: si paulo avelino. jessy introduced me to paulo, at dahil mahal ako ni jessy, panay build up sa akin. maya-maya, paulo said, "can i get your number?" pak. im sure tuwang-tuwa na naman nito si ilay at si maya na crush na crush si paulo.

unlike the other parties, hindi na ako nagpakalasing ngayon -- bawal na. i had two glasses of margarita and ten glasses of water. tapos sayaw lang kami ng sayaw ng mga production people.

around 1am, nagyaya na si jessy na umalis na kami pero nagpaiwan ako. masayang sumaway with the executive producers and production staff. pero gaya ng mga nakaraang party -- sumakit ang paa ko at naghubad ako ng sapatos. nakita pa ni xian na nakapaa ako and he asked, "are you okay?"

my friend beegee told me uuwi kami ng 3 pero nag french exit na rin ako around 2. nang may nakita akong masasabayan pauwi, umalis na ako. at dahil hindi ko na keri maglakad, bitbit ko ang sapatos ko habang naglalakad ako sa lobby ng citibank tower.

two margaritas and three hours of dancing -- ang kapalit, nakahilata lang ako buong araw the next day. pero hindi ako nagsisi sa margarita at sa stilettos, because i had fun. pero sabi ko sa sarili ko, quota na ako ng inom for this year... unlike before na kung makainom ako, parang wala ng bukas...

this year pala, isa ako sa mga kapamilya awardee. five years na ako sa abs. although 2007 lang talaga ako nag resign sa day job ko para mag fulltime sa abs.

five years ago, when i attended my first christmas party, wala ako masyadong kilala, tahimik lang ako sa isang tabi. andami na nangyari in five years... sana, mas marami pang magandang pangyayari sa mga susunod na taon ko sa abs...

No comments: