Sunday, November 13, 2011

random kasentihan

alam mo iyong feeling na may pagkain ka na hindi mo naman talaga gusto, pero andyan lang sa tabi mo... ayaw mo naman kainin, pero ayaw mo rin itapon. basta nandyan lang siya. in case of emergency mo... kapag wala ka na talaga makain, at ayaw mo na magutom, at least alam mo, meron at merong pagkain para sa yo...

tapos magigising ka isang araw, may ibang nakakuha na ng pagkain na iyun. at bigla kang nalungkot. hindi dahil sa gusto mo talaga yung pagkain na iyun. kundi dahil sa may iba na nakuha ng akala mo ay para sa iyo...

i am soooo not talking about food.

it's one of those days na no amount of food binges or shopping can fill the emptiness you are feeling.

i just read a blog entry of a close friend about a certain desire and asking God to take that desire away if it's not for her. naiyak ako. damang-dama ko ang pinagdadaanan niya ngayon....

***

last week, while having coffee with my friends, i realized... my ex boyfriend's son is now 14 years old! we were in college. three months niya ako niligawan. naging kami. pero nag-break din agad when i learned na nabuntis niya pala ang ex-girlfriend niya. at iyun nga, 14 years ago na iyun. so 14 years old na iyong anak niya... halos kaedad na ni maya.

if this were a teleserye... my first boyfriend's son and maya would meet, fall in love, and then i would be very much against it.

***

i went to the gala premiere of alessandra's latest indie film, ka oryang. it was last 11-11-11. last week, i told alex i was excited for 11/11/11 and she said "magkakadyowa na tayo sabay!"

nakakalokah lang. natapos ang 11/11/11 at walang magandang nangyari sa akin. pero nag-wish ako noong napatingin ako sa cellphone ko at nakita ko na eksaktong 11:11 ng umaga pala! effective daw kasi kapag di mo binabantayan ang oras para mag-wish. malalaman ko sa susunod na mga araw kung totoo nga yung wish wish na iyan :)

***

i have been hearing good reviews about the movie friends with benefits. papanoorin ko na sana sa sinehan pero may nagtext sa akin. " i watched friends with benefits last night. sorry ha, pero naalala ko ang sitwasyon nyo ni ___ dati."

so when claring said nagandahan siya sa movie and that i should watch it, sinabi ko sa kanya iyong text sa akin ng friend ko. clar had violent reaction. "excuse me lang, pero anlayo!"

mas alam ni clar ang pinagdaanan ko, witness siya sa lahat, kaya sige, panonoorin ko ngayon yung movie sa dvd.

1 comment: