Monday, November 21, 2011

tsa-a


the first time i tried it in bangkok six years ago, i fell in love with milk tea. araw-araw, oras-oras ata kami nagmi-milk tea sa bangkok noon ni claring at jan.

tapos nagkaroon ng nai cha sa chowking. at may milk tea sa jatujak. so whenever there's a chance, milk tea ako ng milk tea.

and then biglang nagkaroon ng proliferation ng milk tea sa metro manila.

unang milk tea na natikman ko sa happy lemon sa greenhills. cocoa with rock salt and cheese ang inorder namin ni claring dahil sabi, yun daw ang best-seller. nung natikman ko parang, aaaah, masarap. pero hindi siya nag-marka sa akin.

after a few days, claring, jan and i tried roasted milk tea sa chatime in pioneer center. unang sip ko pa lang, alam ko na, ibang klaseng milk tea sya. may kakaibang aftertaste kasi siya. hindi siya yung ordinary milk tea mo.

the next day, nag-crave ulit ako ng roasted milk tea with coffee jelly. pero dahil malayo sa akin ang chatime, pinuntahan ko na lang iyong milk + tea sa may morato. tinanong ko anu best-seller nila at iyun ang inorder ko... again, nothing spectacular. parang typical nai cha with coffee jelly.

dahil hindi na-satisfy ang cravings ko for milk tea, dinayo ko ulit ang pioneer center the next day for chatime roasted milk tea. my second chatime milk tea in three days!

nag-tweet ako, what's your favorite milk tea? may sumagot ng bubble tea saka moonleaf. sabi ko one day, ita-try ko iyang mga tinweet nila.

four days after, dumayo ulit ako sa chatime para sa -- yes, roasted milk tea. i just can't get enough of their milk tea. si claring ulit kasama ko, at iba naman inorder niya. pero ako, yun at yun pa rin.

if you know me well enough, alam mong may tendency talaga ako maging fixated sa isang flavor kahit marami naman pagpipilian. (remember chocolate pudding jelly bean).

sa isang linggo, naka limang milk tea ata ako. nagtext si claring sakin to say na 300 calories ata ang isang milk tea. huwaaat? and i thought healthy siya???

pero despite the info i learned from claring, hinahanap-hanap ko pa rin ang milk tea...

kanina, nag-decide kami ni claring na i-try ang moonleaf tea cafe na walking distance lang from abs. inorder ko iyong best-seller nila, ang wintermelon... marami kasi nasasarapan dun. pero nung natikman ko, wala sa kalingkingan ng roasted milk tea ng chatime...

sa ngayon, best milk tea for me ay ang roasted milk tea ng chatime. although hindi naman ako titigil sa kakahanap ng iba pang masarap na milk tea nearby.

may magbubukas na milk tea 101 sa may morato. marami pang milk tea shops sa area ko. pero habang hindi ko pa nahahanap iyun, titiyagain ko muna ang biyahe papuntang pioneer center para sa gusto kong milk tea.

bakit ako magtitiyaga sa kung ano ang malapit at convenient kung hindi ko rin naman magugustuhan? doon na ako sa sigurado akong gusto ko, kebs na sa layo at sa hirap. basta alam ko, at the end of the day, mapapasaya niya ako...

hmmm... dapat na ba ako gumawa ng blog entry all i really need to know i learned from milk tea? :)

1 comment:

Anonymous said...

kulang ang blog entry na ito. nasaan 'yung celebrity connection sa Chatime (via twitter)?

REVISE!! :P


Claring