Sunday, January 1, 2012

rebirth

ever since i started blogging ten years ago, i would always have a year-end blog entry. a monthly detailed account of what transpired the year prior. but i failed to make one for 2010 because i got busy, was hospitalized for three weeks, and found it futile to write a year-end entry in march.

it's the first day of 2012. and since i wanted to be active in blogging again, i am posting my year-end entry...

if i have to sum up my 2011 in one word, it would be rebirth....

january - almost

i used to think that almost is the saddest word in the dictionary. i almost won. we were almost there. they almost got married.

and then last january, i almost died.

february - break

dahil sa aneurysm, i took a break from writing. bakasyon sa davao for almost one month. spent time with family and friends. and sa one month na hindi ako nagsusulat, that was when i realized that writing is not only my passion. it's my life. i couldn't live without it...

march - second chance

when i returned to manila and went back to writing, i was assigned to be part of mutya. hindi naman ako binigla. unti-unti lang. pero kahit ilang weeks lang ako nag-mutya, enjoy ako isulat ang show na ito. light lang sya. my first time to write a fantaserye na natuloy.

april - extreme

this month, extreme emotions ang naramdaman ng mga kapamilya. may napakalaking bonus na binigay ang abs-cbn. sobrang laki! a whopping six digit bonus for me na katumbas ng two years salary ko noong senior writer ako sa isang magazine. parang pasko sa abril! pero the next day, gumimbal sa amin ang news about aj perez's death.

may - babang-luksa

first death anniversary ng tatay ko. pero i know, siya ang naging guardian angel ko. kasi when green rose ended this month, i was tapped to do two shows -- isang afternoon drama soap (although hindi natuloy), at isang primetime soap based on the book wuthering heights. the wuthering heights show was given the title, "walang hanggan." ang directive lang sa akin, it stars coco martin. bahala na ako mag-develop ng kuwento na puwedeng tumakbong soap ng ilang linggo.

june - firsts

this month, i was interviewed in an fm station. sabi ko nga sa fb status ko, "i dreamed of being interviewed on air one day but i never thought it would be about aneurysm. according to the doctor, only 23% of people who had ruptured aneurysm survive, and less than half go back to their normal lives."

ito rin iyong time na inimbitahan ako ni alessandra sa bahay nila. i had dinner at their house and met her mother. dito ko na-realize na iyong friendship namin ni alex, hindi lang pang-showbiz. ito ang simula ng pagiging close friends namin.

july - new goal

as i watched cinemalaya with my colleagues, muling na-ignite ang dream ko to write an indie film. a couple of years ago, i joined cinemalaya with my director friend mark. we wanted to make a movie about this modern set up called friends with benefits. we didn't make it. sayang. kung napili sana kami noong 2009, naunahan sana namin ang ligo na u, lapit na me. a movie which i truly enjoyed watching. parang septic tank na three times ko pa pinanood!

august - renaissance

went to davao city for kadayawan festival with claring and rose. for the first time, nag pearl farm! ang saya ng bakasyon! two days before my birthday, pinalabas ang my binondo girl. sabi ko suwerte ang mga pinapalabas sa birthday ko. katorse. saka my binondo girl.

sabi ko, first birthday ko ito, kaya bilang pasasalamat, i spent the night with my close friends and colleagues, who prayed for me, and helped me when i was hospitalized. bonggang birthday ever.

september - liberation

this month, i was finally liberated from my salary loan in abs-cbn. iyong isang milyong utang ko ng march, kalahati na lang ngayon. salamat sa mga projects na binigay ng abs sa akin. malaking tulong ang TF na nakukuha ko pambayad sa mga utang.

october - fruitful

nagkasakit ang headwriter namin sa my binondo girl at ako ang pinasalo sa scripting. haven't written scripts na ganito kabilis at kadami since sabel days kaya kailangan maging creative ulit. and this month, an indie film producer approached me and asked me to write a screenplay.

november - recognition

kapamilya service awardee ako. five years na ako sa abs. awaaaaaard!

this month, napatunayan ko talaga na when you lose something, you gain something else. when something ends, something better begins. nag resign ako sa my binondo girl. and then a few days after, sinimulan na ang walang hanggan.

natapos ko rin sa month na ito ang screenplay ng indie film. iba pala ang feeling kapag nakatapos ka ng script ng movie, hindi dahil sa assignment sa school or requirement sa workshop kundi dahil sa binabayaran ka ng producer...

december - changes

sa showbiz, walang kasiguraduhan ang lahat. hindi mo alam, yung meron ka ngayon, mawawala sa iyo bukas. pero sa ilang taon ko sa showbiz, nalaman ko rin na kung para sa iyo talaga ang isang bagay, mawala man ito sa iyo, babalik din ito. hindi ko alam kung anong mangyayari. before the year ended, i was told na may changes na mangyayari sa akin in terms of career. isa lang ang alam ko, mas alam ni Lord kung ano nakakabuti para sa akin...

to summarize, here are the eleven highlights of my 2011

11. walang hanggan

10. my binondo girl.

9. babang-luksa.

8. bonus.

7. green rose and geena rallos.

6. kadayawan and pearl farm.

5. radio interview

4. screenplay

3. birthday party

2. kapamilya service award

1. ruptured aneurysm.
new year na naman. a time of changes. a time of renewed hope and enthusiasm. another chance to make things right. another chance to reach for the dreams we didn't get in the past...

gaya nga ng sabi ko sa fb status ko, 2011 was the year of ruptured aneurysm and near-death experience. wag na sana maulit. ayaw. here's to good health and longer life... sana masayang career at lovelife. at sana bongga ang 2012 para sa ating lahat!

happy new year, everyone! :)


3 comments:

BabyPink said...

Bongga ang 2011 mo, Miss N! Nawa'y mas bongga pa ang 2012 para sa iyo! Good vibes! :)

Happy 2012! :)

thirtybeandays said...
This comment has been removed by the author.
thirtybeandays said...

You had an eventful, life-altering 2011, Noreen. I am sure you will continue to be blessed---and I wish you all the best in your health and LOVE life!