Tuesday, February 14, 2012

epiphany

over the weeks, i have been thinking if i should delete this blog and/or stop blogging. every day, i'd ask myself what i should do... and just last week, i had an epiphany...

i learned that as a storyteller, we should give our audience a satisfactory ending. it doesn't have to be a happy ending... just fulfilling. iyong kapag umabot na sa tinakda mo na katapusan, sasabihin ng audience na "tama lang na natapos na..." or "oo, hanggang doon na lang talaga."

at iyun ang narealize ko... if i stop blogging now, hindi pa iyun ang satisfactory ending para sa akin, o para sa mga taong hindi ko kilala pero sumubaybay sa blog ko.

somebody left a comment in my blog. she said she first read my blog when she was 14, sa opendiary.com pa iyun at talagang anonymous ako noon -- walang nakakakilala. she's 26 now. twelve years na!

anu na nangyari sa buhay ko the last 12 years... madami. at sa ilang years na iyun, marami nag-comment, nagtweet, at nagsabing natulungan ko sila, in one way or another...

yes, i write in my blog for myself. naglalabas ng angsts. nagkukuwento ng buhay. nag-a-unload ng nararamdaman. but somehow, may napupulot sila sa akin, may nakukuhang tip kung ano ang dapat at hindi dapat gawin. may nabubuhayan ng loob lalo na kapag binalikan iyung mga entries ko na wala pa ako sa abs at nangangarap lang ako maging writer, nakakahugot ng lakas at inspirasyon kapag brokenhearted at binasa lahat ng kasentihan ko in the past.

at alam ko, hindi ako binigyan ni Lord ng second chance mabuhay ng ganoon-ganoon lang. marami pang mangyayari sa buhay ko, marami pa akong puwedeng ikuwento at isulat...

ilang taon ring nabulatlat ang buhay ko sa mga tao. alam nila lahat ng mga desisyon ko. witness sila sa mga pagsesenti ko, sa mga kabaliwan ko, sa mga pagkakamali ko... and i owe it to them, and most of all, to myself, na magkaroon ng satisfactory ending ang pagba-blog ko...

hindi pa dito nagtatapos ang pagkukuwento ng buhay ni noringai :)

3 comments:

Jimpy Anarcon said...

Yes Miss Noreen, magandang desisyon yan dahil isa ako sa nainspire mo! :))) GOGOGO! :D

Ilai said...

Good Job! Bwehehehe! I've always been a fan ever since I started reading your work...remember those poems you had me read and I had the audacity to make corrections on your grammar? LOL! Didn't know about poetic license...so, sorry!! Hahaha!

Anyhow, a great writer NEVER stops writing. So long as there are stories to write, there will be readers who will read.

Your purpose is to write...mine is to read. SO...KEEP ON WRITING! MWAH! Love you, Frend!

cessology said...

I just discovered your blog, and I'm so happy I did. Buti na lang di mo dinelete itong blog mo. I only planned to read 1 post today, pero after a few minutes, I was able to finish reading 5.

Napaka-engaging ng posts mo and I find myself nodding in agreement with what you've written. Please, please, please do not delete your blog. Thanks and more power!