Friday, February 17, 2012

sa takdang panahon...

sabi ko sa fb status ko early this year, when my dream to write for tv came true, may dalawa akong bagong dreams -- ang magsulat ng libro, at ang magsulat ng pelikula. sabi ko rin sa status ko, one of these two will hopefully come true this year.

sobrang sure kasi ako na magkakaroon ako ng movie this year dahil pinagsulat ako ng isang independent producer. kaya lang, parang hindi na siguradong maipapalabas pa iyun...

i didn't lose hope. sabi ko, kakasimula pa lang naman ng taon...

and this morning, i got an offer to write a movie for one of the biggest production outfits in the country. hindi indie. mainstream. at malaking production company.

i got excited. ito na iyun... i was a step closer to realizing my dream...

kaso, hindi ko puwedeng tanggapin ang offer. hindi muna. hindi pa ngayon.

sayang. the director told me perfect daw sa akin ang material. it's a huge project. nakakapanghinayang. pero sabi ko sa twitter ko, i am a firm believer of the saying "if it's meant to be, it will be yours."

kung fate ko makapagsulat ng movie, mangyayari iyun, in God's perfect time...

kanina, while having dinner with claring, sabi ko, naiiyak na ako. pero ngayon, i feel better. disappointed pa rin pero i will be okay.... dahil isa pang philosophy in life that i live by, "kapag may nawala, may kapalit itong mas maganda..."

No comments: