Thursday, May 3, 2012

kuwentong jelly beans ulit...

ilang beses ko na ina-attempt na mag blog ulit. pero inuunahan ako ng katamaran. kaya di matuloy-tuloy. maraming nangyari in the last two months na di ako nakapag blog. puwede na palampasin... pwede na hindi i-chronicle.

heto lang ang naaliw ko... last month, a friend gave me a jar of chocolate pudding jelly beans.



one month has passed, hindi man lang nabawasan ang jar na iyun...

sa kuwentong jelly beans ko, which i wrote almost ten years ago, paborito ko ang choco pudding. hinahanap-hanap ko. pinapalampas ko ang ibang flavors para lang sa kanya. pero ngayon na andyan na, isang jar, hindi ko na hinahanap, hindi na siya appealing para sa akin -- ayoko na kainin.


kanina, naisipan kong kumain ng sampung pirasong chocolate pudding jelly beans. naisip ko na naman iyun. "ayoko pala ng choco pudding kapag maramihan at accessible..." iba pala talaga ang epekto nung hirap kang makuha ito... iyong kailangan mo pa mag-effort na piliin ito, at laging iba ang nakukuha mo kaya lalo kang nanggigigil na makuha ito... hanggang sa makasanayan mo na ito ang hanapin, kahit na hindi mo naman talaga ito gusto...

and right after i ate the choco pudding jelly beans, i signed in sa ym and C was online... i realized... kapag andyan pala sya, ayoko sa kanya. kung kelan wala siya, doon ko siya hinahanap... consistent... siya talaga ang chocolate pudding jelly beans sa buhay ko...

1 comment:

Tsina said...

Aw. I can relate. :( Siya din siguro ang chocolate pudding jelly bean ko. :(