Thursday, June 14, 2012

bakit nga ba natin ginagawa ito?

woke up at 6am to write week 8 day 3. ambagal ko sa week na ito. yung days 1 and 2, two days ko sinulat. itong day 3, kanina ko lang nilatag. two hours after, naka 14 sequences na ako. hindi pa buo ang liners. after gap 3, hindi ko na alam ano mangyayari. wala naman ako pwde itext at hingan ng tulong or suggestion. tanong ko kay claring sa ym "bakit nga ba natin ginagawa ito?"


and then tinulugan ko... nag-nap ako isang oras. at eksakto 2pm, natapos ko ang day 3. siguro 5 to 6 hours ko siya sinulat. iyong ibang oras, tumunganga lang ako. humilata. nag isip. nag-games. nag-internet.

at hindi pa ako tapos dahil may day 4 and 5 pa ako...

once again, i am reminded na napakahirap maging tv writer. nakakabaliw. nakakapagod. nakakaiyak.

i remember nung ginagawa ko ang week 5. yun ang pinakamahirap. yun ang sobrang ginapang ko. one week ko sinulat. tapos may pinagdadaanan pa ako that time. after namin mag-usap ng headwriter ko, umiyak ako sa cr. pero di ako nagreklamo. di ko pinakita sa kanya na nahihirapan o napapagod na ako. sinarili ko lang. tapos tinapos ko ang script...

nung pinasa ko na iyung script, pinuri ng hw. feeling ko ine-etchos lang ako. tapos, nagtext ang pm... ang ganda ganda daw ng script. gusto ko maiyak. sa buong five weeks ng aryana, first time na mag-text ang boss to rave. nung nagkita kami sa office, pinuri na naman niya ako. "hey, ang ganda talaga ng week 5."  napangiti ako. on that same day, yung dalawang director, nagtext din... nagustuhan nila ang script. doon na ako naiyak... first time ito. lahat sila, nagustuhan... naiyak ako kasi iyon ang mga panahong hirap na hirap na ako sa pagsusulat...

kahit anong hirap, pagod at puyat mo pala, makakalimutan mo lahat, kapag na-appreciate ng mga tao ginawa mo. isang text lang, okay na... narealize mo na tama ang ginagawa mo... na nasa tamang lugar ka...

and then i wrote week 6. ang sabi ng hw "anong nangyari???" di niya nagustuhan. major revision ginawa niya.

tama nga... you're only as good as your last work. nakakatawa lang, noong sinusulat ko ang week 6, yun ang pinakamasaya ang state ko... tapos iyun pa ang pinakapangit na nasulat ko...

pero nabura naman ung kapalpakan ko sa week 6 dahil sa week 7. naredeem ko sarili ko.

at heto, panibagong week. ang hirap itawid. ang hirap tapusin.

bakit ko nga ba ginagawa ito?

ah kasi mahal ko... ganyan talaga. kapag mahal mo, lahat titiisin mo. lahat kakayanin mo. dahil kahit mahirap gawin, kulang ka kung wala ito... kahit nakakabaliw, hindi mo maisip ang sarili mo na hindi nagsusulat... dahil ito na ang buhay mo..




1 comment:

Angelo said...

friend, di ako nakakanood ng mga teleserye pero pag sa sinehan, pag nanood ako at nagustuhan ako ang script, ang mga linya, lagi kong inaantay makita kung sino ang writer.

di ko siya mababati na ang galing ng pagkakasulat mo, pero iyong paghihintay ko sa end credits na ang small thank you ko dahil ang ganda ng pagkakasulat niya. :)

so ganun din sa yo, hangang hanga ako dahil ang laki ng nagagawa ng pagsusulat mo. :)