Wednesday, June 6, 2012

one last memory

kapag nagsusulat ako, lalo na kung emotional iyong eksena, nakikinig muna ako ng music bago magsulat. depende iyan kung ano ang hanap ko. kaya may mga naka-label na ako sa playlist: pampakilig. pang goodbye. pang heartache. angas. pang bagets. ganun...

tonight, kailangan ko mag-isip ng plotpoints about forbidden love sa walang hanggan. so lahat ng lumang love songs, naka- queue. tapos biglang narinig ko ang kantang one last memory, isang 70s song na bihira ko lang marinig. na-inspire ako mag-blog. kaya heto, inuna ko pa ang pagba-blog kesa sa pagtatrabaho...

one last memory. sakto sa nangyari today. may na-confirm kasi ako sa sarili ko kanina lang. wala ng karugtong iyong tungkol sa previous blog entry ko. last na iyun. final. the end. finished. over.

a friend confronted me about my blog entry. she asked what i meant when i said na hindi pa tapos...

hindi pa tapos that time dahil sa "what if..." that he asked me the last time we were together. "what if" na inentertain ko din dahil siya unang nag-sabi. napaisip ako... kahit alam kong malabo...

pero today, alam ko na ang sagot dun sa what if na iyun... it's never gonna happen.

sure ako... and .now i can finally move on...

i won't be forgetting it. i cant forget him. pero, i know. he will no longer be part of my life...

no i don't regret it. but im not proud of it, either. pero tapos na iyun. at hanggan doon na lang iyun...

okay lang magkamali minsan. pero pag inulit mo ang pagkakamali mo, katangahan na iyun. matanda na ako... hindi na ako magpapaka-tanga. tapos na iyun... sure na!

4 comments:

Ilai said...
This comment has been removed by a blog administrator.
noreen said...

sorry i had to delete your comment... alam mo na kung bakit ;) it's complicated. :D

Angelo said...

i remember the boy, but i don't remember the feeling ang peg? :)

lujille said...

whenever i feel sad about my lovelife, i check your blog, for some reason you put words when all i can do is cry... so tonight your "it's never gonna happen" echoes my thoughts...