Friday, August 3, 2012

C is for Cohen

Cohen. Yan yung nauuso ngayon. Rapid weight loss. Lahat ng nag Cohen na kilala ko pumayat. In matter of weeks, kita na ang pagpayat.

Last year ko pa gusto subukan. Kaso namamahalan ako sa 55,000 na initial bayad. At natatamad ako sa thought na iwe-weigh mo isa isa yung kakainin mo. At wala akong will power na tanggihan lahat ng pagkaing nagpapasaya sa akin.

Pero last July naisip ko... Kelangan gawin ko na! Grand Reunion na naman namin sa December at magiging abay ulit ako sa kasal. Pampito ko na. Plus sawang-sawa na ako nakikitang mataba ako. Kaya mid-July, I did it. Nag enrol ako. Nagpa-blood test. Kumuha ng medical clearance from my neurosurgeon to state na okay ako mag Cohen.

I was so excited.

And then yesterday the phone call came.

I wasn't qualified. Dahil sa aneurysm ko. Dahil na brain surgery ako last year. Dahil ayaw nila i-risk.

At ngayon na depress ako. Sure ibabalik nila pera ko. At makakakain pa rin ako normal. Pero paano na pangarap ko na 40 lbs lighter by December. 40 lbs to boost my self esteem. Para may K ako mag two piece by Summer. Para sa 26 inches na bewang. Para sa maayos na hormonal chorva. Para sa  bewang at maliit na braso.

Na depress talaga ako. At dahil ibabalik nila ang pera ko, to make myself happy, binili ko na ng birthday gift ang sarili ko.

Bagong hikaw.

At mula kagabi hanggang ngayon, tuwing nakikita ko tenga ko, nangingiti ako.

Naisip ko baka hindi meant na mag Cohen ako. Baka may ibang paraan pa. Baka kaya ng ibang diet.

I was with two directors last night and I told them about the Cohen thing. They said di ko naman kailangan mag Cohen.

Ngayon okay na ulit ako. With my new earrings. And with the thought na di ko dapat dinedepend ang happiness ko sa katawan o hitsura ko. Kaya ko maging masaya, kahit mataba ako.

.

3 comments:

MSY said...

naku noreen. pumapayat nga sila pero they usually go back to their old weight after a while. dapat kasi tuloy-tuloy e. ang disiplina nung cohen diet na yun.

anyway if i were you, replace mo lang ng red rice yung white rice. then bawas lang sa sugar. mas matagal siya kesa cohen pero eventually papayat ka rin! isama mo na si rose hahaha

Angelo said...

friend, i dunno what cohen is pero gow ka sa exercise and watching what you eat. kaya iyan. ;P

Lyn Lyn said...

Ate Noreen, how about trying out the Dukan Diet? :) Disiplina sa food na kinakain at exercise lng din ang need. And it won't even take cash out of your pocket! hehe... (dko pa narinig ang Cohen) Hope all is well sau. Mwaah xx