Monday, August 6, 2012

may dahilan ang lahat

hindi ka ba nakasali sa abs-cbn writing workshop? huwag ma-dishearten. may dahilan ang lahat.

hindi rin ako natanggap sa unang writing workshop na inapply-an ko. sa ibang network iyun. ibang director/writer. pero hindi ako nawalan ng pag-asa.

after a year, may workshop ulit. sa abs-cbn naman. nag-apply ako. at natanggap. at iyun nga ang simula ng writing career ko sa abs.

every rejection. every failure. every heartache. may dahilan lahat. hindi mo man maintindihan ngayon kasi nasaktan ka. kasi masama ang loob mo. kasi umasa ka tapos hindi mo nakuha...

pero balang araw, malalaman mo rin ang dahilan. makikita mo rin kung saan papunta ang sakit na nararamdaman mo ngayon...

maaaring hindi pa panahon. maaring hindi lang ukol. o maaring may mas magandang nakalaan sa iyo...

trust me.

nangyari sa akin. mangyayari din sa iyo. basta huwag ka lang mawawalan ng pag-asa. huwag mo lang bibitawan ang pangarap mo...

(Para sa mas mahabang kuwento na related dito, basahin mo na lang ito...)

5 comments:

Anonymous said...

Hi po, Nag start na po ba yung workshop? Nag apply po kasi ako don pero wala pang feedback after the exam and interview. Maraming Salamat po.

Anonymous said...

Ms. Noreen,

I have the same concern with Anonymous 1. Please enlighten us if the workshop has already started.

Thank you and God Bless.

noreen said...

sorry po wala akong idea... ngarag for the last two weeks kaya out of touch ako sa mga nangyayari sa abs.

Anonymous said...

Hi Ms. Noreen! Just want to say thank you dahil every time na mapapadaan ako sa blog mo eh lagi akong na-i-inspire, lalo na pagdating sa pagsusulat.

Minsan nasabi sa akin ng isang kaibigan na ang mga pangarap natin, gaano man kasimple, ay itinanim ng Diyos sa mga puso natin. Naisip ko, kaya siguro kahit takasan mo 'to hindi mo rin magagawa successfully.

Dahil sa mga "self-inflicted" pains ko, I decided na i-put off sandali ang buhay ko, ang mga pangarap ko. Malaki ang naitulong sa akin ng pagiging proofreader nang tatlong taon, I must say, pero parang may downside rin. Gusto kong magsulat pero may ibang naidulot sa akin ang pagbabasa ng sinulat ng iba. Pakiramdam ko, di ako kabilang "dun".

Ngayon, nag-co-conspire ulit ang universe para ipaalala sa akin ang pangarap na muntik ko nang bitawan. Tama ka, we should not lose hope. Sana matanggap ako sa ABS at mag-krus ang landas natin. He he. I hope to meet you in person. :)

Salamat po ulit. God bless. Continue to be a blessing. ^_^

karla placido said...

hi po, ms. noreen!

tugnkol din po ito sa scriptwriting workshop ni ser ricky lee. nag-apply din po kasi ako at na-interview. ang hindi ko lang po alam ay kung pumasa po ako o hindi. sa abs-cbn din po ako nagttrabaho. maaari po kayang tawagan ko ang HR para alamin ang status po ng application ko? salamat po!