Friday, August 17, 2012

OMG!

kung matagal ka na nagbabasa ng blog ko... at kung nasundan mo ang column ko noon sa peyups.com, malamang kilala mo si maya...

si maya na baby pa lang, ako na ang kasama. hanggang mag four years old, ako ang naging nanay niya. kasi nasa davao ang parents nya, habang ako nag-alaga noon sa bulacan.

si maya na sa tuwing nakikita ng mga kaibigan ko, pinapaamin ako kung anak ko ba siya. kasi daw, we are so much alike.

si maya na mini-noringai lang. sa kilos, sa salita. sa pag-uugali.

si maya na 14 years old na ngayon.



si maya na may blog na rin ngayon. at sa kaka-stalk ko... nakita ko ang blog entry nya na ito...

"move on , let go , it’s over . kung maka relate sa mga salitang yan ay naging kayo teh ? naging kayo ? overrrr lang pero may mga ganito talagang feeling na parang alam mo na di talaga kayo fit for each other langit siya lupa ka . ansakit lang pero yun ang totoo eh <|3. mismong tadhana na ang naglalayo sa inyo. pero kahit ganoon sadyang mapaglaro talaga si destiny. hayyyy buhayyy kung kelan pilit mo ng mag move on doon pa may mga “something” na ginagawa si tadhana hayyy naman talaga hanubaaaa"

omg lang talaga! parang ako lang nagsulat noong katorse ako...

noong pinabasa ko kay claring, sabi ni claring, "WHAT? IKAW NAGSULAT NIYA EH!" parang ako lang daw... and then may pabahol siya... either maya copied my writing style... or anak ko talaga si maya.

kalokah.


1 comment:

Anonymous said...

da ba si bluekessa ang mahilig mag-mention about tadhana sa blog niya? siya na ang inglesera magblog na nagmemention kay tadhana. Haha. may blog na ba uli siya?

--kalan porter