Tuesday, August 28, 2012

on diet and heartaches

sabi ni claring noon sa akin, masokista daw talaga ako. kasi tinataon ko ang pagda-diet kapag brokenhearted ako. hindi man lang ako maka-turn sa comfort food kasi nga, diet ako!

pero ang totoo... nagkakataon lang naman... hindi ko sinasadya.

nagsimula ito fifteen years ago, noong nag-break kami ng first boyfriend ko. iyun din ang panahon na nag atkins diet ako. lost 15 lbs in one month. kasi naman bata pa ako noon. andaling mag-lose ng 15 pounds.

tapos nag body type diet ako noong october 2006 (although in preparation iyun para sa kasal ni jan at dan). and then nag south beach diet noong april 2007. lahat yan may significant na nangyari sa lovelife ko.

noong birthday ko last week, i made a decision... dahil hindi ako puwede sa cohen, nag try ako ng calorie-controlled diet. every day, kailangan ko lang ng 1200 calories na intake. ang konti lang noon! pero sige... para sa kasal ni attorney cheche sa december... para sa self-esteem ko... at para sa bewang na hindi ko na makita... sinimulan ko ang diet na ito.

kahapon nagdeliver ng pagkain. today ang first day. kaya kahapon tinodo ko na... nag mcdo, nag chocolate with fine salt and cheese sa green coffee at nag army navy. parang last hurrah bago mag diet...

and then kagabi, while i was posting pics, checking news feed and browsing facebook, di sinasadya -- may nakita ako at nalaman. hindi siya super masakit. kasi hindi naman siya talaga heartache. pero parang slightly naapektuhan ako. kahit hindi naman dapat...

kasi inevitable naman talaga iyun na mangyari...  hello. nangyari na dati, siyempre, mangyayari ulit...

siya ang legal, ako ang sikreto. pero still, masakit pa rin...

gusto ko man mag-ice cream to make me feel better, hindi puwede... nagcoincide na naman sa pagda-diet ko!

and to make things worse, sumabay pa ang deadline ko... paano na ang gasolina ko sa pagsusulat aka junk food!!!

ako na... ako na ang masokista.

but then, bayad na kasi iyon for two weeks. malaking amount din yun... kung kumain ako ng chocolate, cake, at ice cream para maging masaya, kung ngangasab ako ng chips habang nagsusulat,sayang naman ang binayad ko, di ba?

kaya titiisin ko na lang...

ako na... ako na ang mukhang-pera. 

song of the moment: you could be happy, and i won't know... but you weren't happy the day i watched you go - snow patrol

quote for the day: "i'm tired of being your secret," jenna hamilton, awkward, season 1.

what i learned recently: mas mature mag-isip sa akin ang isang actress. at 19, she made a major decision na hindi ko magawa when i was 30. so proud of her for walking away and leaving, even if it hurts -- kasi alam niya ang self-worth niya. 


No comments: