Wednesday, August 15, 2012

walang babaeng pinangarap maging kabit

i miss you
ako din. but it's over. ain't gonna happen again.
ever?
ever!

note to self: panindigan mo iyan, noreen!

***

in the past few days, everyone was busy for the pitching and presentation of new shows.
last monday, i was teary-eyed when i heard the story of one of the shows we were pitching.
ayoko na lang ikuwento ang detalye pero... ang premise ng show...
love is a choice.
hindi destiny.
hindi coincidence.
it's a decision.
it's your choice.

***

will i see you again?
no.
please?
sorry, no... 
if we're together again, hindi na kita pakakawalan...
oh well.. maybe in another place, in another time... pero ngayon... no...

***

love is a choice.
madalas, maling choice.
pero... puwede naman itama.
at cliche man, pero totoo,
sa mga maling choices, doon tayo natututo...
and in my case, sa mga maling choices, doon ako nakakagawa ng kuwento...

***

sabi ko noon, ang purpose niya sa buhay ko, bagong materials para sa pagsusulat ko...
hindi ko magamit sa aryana...
minsan, naisisingit ko sa walang hanggan
pero sana, sa mga isusulat ko next year, doon ko mailabas lahat.
kailangan mailabas.


***

walang babaeng pinangarap maging kabit
sabi ni bea alonzo sa pelikulang the mistress
pinakita ang trailer sa premiere night ng the reunion
tinweet ko ang quote
wala pang 1 minute, andaming nag retweet
andaming nag-favorite.
ni-status ko sa fb.
andaming nag-like.
nilagay ko sa bbm.
may tatlong ka-bbm na apektado
anu, daming nakarelate?

***

pangarap ko iyun.
(hindi ang maging kabit... anubeh!)
iyong makagawa ako ng one-liner para sa pelikula
tapos itutweet ng mga tao.
isa-status sa fb at bbm.
at ila-like at ise-share ng mga makakabasa. 
kelan kaya matutupad iyun?

***

hindi na ako ang magsusulat sa movie ng dalawang big stars
narinig ko lang, may ibang nakuha na daw...
sayang.
feeling ko kasi, mas doon ko magagamit iyong recent experiences ko.
andami ko na quotable quotes sa secret blog ko.
might as well pagkakitaan, di ba?

kaso... 
hindi pa panahon.
hindi pa para sakin.
may dahilan ang lahat.
may kapalit ang lahat.

(antagal ko nag-isip ano ita-title ko sa blog entry na ito. pero dahil nabo-bore na ako sa mga blog entries ko, ayan ang pinili ko... pang-gulat. plus, iba kasi talaga ang pagka-deliver ni bea sa trailer... makes me want to watch her movie with john lloyd now na... olive lamasan pa director. gash.)

1 comment:

Angelo said...

Ang linya na nagustuhan ko was iyong kay Hilda Koronel. "Layuan mo ang asawa ko. Tagalog iyan para maintindihan mo." Galing! :D

Sinong writer? :)