Tuesday, September 18, 2012

awkward

so blogger has this new feature where you get to see where your readers came from... nakikita mo rin paano at bakit sila nakarating sa site mo. one time, chineck ko ano sinearch nila sa google para ma-direct sa blog ko... napamura ako when i saw somebody searched for "noringai malas lovelife." seriously?!!! so sino kang nag-search ng "noringai malas lovelife" sa google? :p

***

a few weeks ago, i watched the whole season 1 of awkward. sayang nga eh, noong napanood ko, tapos na ako sa high school plot ng aryana. nagamit ko sana. buti na lang na-extend kami. at nag next school year ang aryana. so back to high school.

sa isang feedback meeting, direk l said naaliw siya sa last script. kasi ang bagets daw. then he said, "alam niyo iyong show na awkward? parang ganoong yung week 16." hindi ko napansin... na impluwensyahan na ng awkward iyong sinusulat ko.

***

claring and i had this conversation about awkward one time. she said "siyempre doon ka sa matangkad (matty) no?" and i said, "surprisingly, nagro-root ako kay jake."

wow. the younger noringai would have chosen matty. nagma-mature na ako. kung nanonood ka ng awkward, im sure gets mo ang sinasabi ko...




***


despite the kangaragan sa week 17, nakapag bench universe pa ako at phantom of the opera. yun nga lang, ambagal ko sa week na ito. buti na lang, ambait-bait ng headwriter ko.


my headwriter told me ang forte ko daw talaga ay pampakilig. pang star cinema romcom, he said. ang hindi nya alam, bago ako magsimula sa week 17, nagbasa muna ako ng diary ko noong second year ako -- pampa-inspire.


hai... pangarap ko talaga makagawa ng isang parang "crazy little thing called love" na movie. iyong simple lang pero lahat makakarelate.


sa ngayon, kuntento na ako sa mga text ng production staff to say na kinilig sila at naiyak sa mga eksena. natutuwa na ako kapag nababasa ko na ang bbm status ng mga artista namin ay ang dialogue nila sa show. sa tuwing nagtetext ang director, at kahit ang artista, to say na naiyak sila sa script, nakakalimutan ko ang apat na gabing pagpupuyat at paghihirap para makabuo ng script.

pero sana.. kung para sa akin ang pagkakaroon ng pelikula, ibigay na sa akin iyon ng universe. habang hindi pa ako nauubusan ng kilig sa katawan....  habang hindi ko pa nagagamit ang lahat ng pang-trailer na linya. habang hindi pa ako nagiging bitter at jaded sa love.


***


nasabi ko na ito dati eh... magaling magpakilig ang mga loveless kasi imagination ang pinapagana nila. magaling magpaiyak ang mga sawi, kasi galing sa experience ang sinusulat nila. kung sino ka mang nagsearch ng "noringai malas lovelife" sa google... may tama ka. pero ang kamalasan ko sa lovelife, heto, nagiging pera...

4 comments:

Joyce Herodias said...

maam noreen, ano po name nung bagong features sa blogger na yun? Gusto ko din mo makita kung sino nagbabasa ng blog ko..

noreen said...

stats lang sa blogger eh. kasama na sya dun sa dashboard. :)

kenkai said...

maam noreen - ipapanalangin ko po na bumukas ang mga pintuan ng langit (sa harap, sa likod) maging ang mga bintana para magkarron ka ng pagkakataon sa movies. Or isang entry sa cinemalaya?

Angelo said...

friend, i'm confident na masusulat mo din ang star cinema romcom mo. inaabangan ko na nga, eh. ;)