Friday, September 7, 2012

malaya na ako...

iyan ang pakiramdam ko sa tuwing nakakatapos ako ng isang script... "malaya na ako."
iba talaga ang feeling... kahit gaano kahirap... kahit sobrang nakakapagod... kapag na type ko na iyong "end of week ---" sa dulo ng script, ang saya-saya ng pakiramdam.

iyan ang pinakamasayang i-type. end of week ---. kanina, end of week 16.

at ang pinakapaborito kong text message na i-compose..."sent script to your email."

nararamdaman ko na ang pagod. ngayon lang ako umabot ng 16 weeks ng pagsusulat. and in the last three months... every week ako kung magsulat at magsubmit ng script. 160 sequences. every week.

kung scriptwriter ka, alam mo kung gaano kahirap bunuin ang 160 sequences. kung puwede lang sana puro quiet scenes ang isulat. yung walang dialogue. processing lang lahat. o kaya, puro series of shots or montage.

sobrang hirap na hirap ako sa week 16 na ito. andaming confrontations. andaming emotional scenes. at kaya ako nagtatagal kasi iniisip ko -- ano pa ba ang hindi ko nagagawa dati? ano pa ba ang hindi ko naisusulat? anong dialogue pa ba ang hindi ko nagagamit?

habang sinusulat ko ang week 16, dalawang beses akong umiyak. hindi iyong iyak na pilit. dati kasi, sa katorse at green rose, ang pamantayan ko kung maganda ang nasulat ko ay kapag naiyak ako... kaya pinipilit kong umiyak...

ngayon ko natutunan na kapag naiyak ako ng hindi sinasadya while writing, iyun pala talaga iyong alam kong may nagawa akong tama...

malaya na ako... kakatapos ko lang mag-email ng script. sa makalawa, magsisimula na naman ako ng bagong script.... sabi ko sa headwriter ko, napagod ako ng sobra sa week na ito.. pero hindi ako nagrereklamo...

dahil ang pagsusulat... hindi lang puro hirap at pagod... it's always a liberating experience.

kaya kapag sinabi kong "malaya na ako" maraming ibig sabihin yun... 




2 comments:

Roselle said...

Nice entry! Congrats sa iyong natapos na script..am sure maganda yun :)

Roselle said...

By the way, im just starting to follow your blog. Looking forward for more readable entries :) God bless!