Monday, September 24, 2012

there's a bona in all of us...


i haven't seen lino brocka's bona which starred nora aunor and philip salvador but i knew what the movie was all about -- isang babaeng nagpaka-baliw sa isang lalake, pinabayaan ang sariling buhay para maging alalay ng lalakeng mahal niya.

so when i heard about peta's adaptation of bona, i wanted to watch. lalo na at si eugene domingo at edgar allan guzman (from ligo na u, lapit na me) ang lead stars.

in the midst of script deadline and other kangaragan, naisingit ko rin naman ang panonood nito....

bona is about obsession. of katangahan when it comes to love. iyung may isang matinong lalake na handang ibigay sa iyo ang gusto mo pero mas pinili mo iyong lalakeng mahal mo -- kahit na hindi ka mahal. iyong lahat na lang ng meron ka, ibibigay mo para sa kanya -- kahit mapabayaan mo na sarili mo. iyong halos itakwil ka na ng mga kaibigan at kapamilya mo dahil sa kagagahan mo sa lalake pero ayaw mo makinig at maniwala sa kanila -- kasi in love ka.

aminin... there's a bona in all of us. hindi man sa ganoon kabaliw na level. pero lahat tayo, naging tanga naman sa pag-ibig once upon a time...

***

ang bona ay tungkol sa fan na na-obsess sa isang artista. hindi siya alalay kasi as bona said sa dulo, ang alalay ay binabayaran... isa siyang taga-hanga. para sa tagahanga, sapat na iyong mangitian ka o makamayan ng iniidolo mo...

walang konek sa bona ang susunod na litrato...

 
that's me with dominic roque and enchong dee sa isang birthday party na pinuntahan ko after watching bona. sabi nga ni claring sa picture na ito "pretty boy sandwich at ikaw ang palaman."

may common denominator ang dalawang iyan, bukod sa parehong gwapo, taga la salle, at athletic -- pareho silang super bait sa akin.

normal lang sa mga artista ang maging mabait sa writers. lalo na kung ongoing ang show. pero si enchong ang isang proof na kahit wala kaming show together, hindi pa rin siya nagbabago. 2009 noong huli kaming nagkasama sa isang show ni enchong. hanggang ngayon, kung paano siya makitungo sa akin noon, ganoon pa rin ngayon. nagkukuwento pa rin siya about his personal life. tinatanong ko pa rin siya para i-clarify yung mga nababalitaan ko about him. i am still his ate noreen...

si dominic, kasama ko ngayon sa aryana. nakakasama namin mag kape or milk tea madalas.  nagkukuwento din siya sa akin. pinapangaralan ko rin siya. bago pa kami naging close, marami na akong naririnig na mabait siyang bata. kaya i know, kahit matapos ang aryana, i will still be his ate noreen, too...

niloloko ako ni claring. baka maging bona ako kay enchong or kay dom. sabi ko, anlayo naman nila sa ugali ni philip salvador or edgar allan... pareho silang refined. parehong sweet. parehong may breeding... at pwede ko ma-claim na pareho na akong nahatid ni enchong at dominic sa bahay. (nag-level up na -- dati si jessy at si alex lang ang artistang naghahatid sa akin.)

at saka... kung magiging bona man ako -- sa isang artista lang ako magpapaka-bona -- at wala iyun kay enchong or dom...

***

going back to bona... supposedly kagabi iyong last day. pero na extend ito for three more days -- friday, saturday and sunday. you can buy your tickets at peta theater mismo. magaling si uge at edgar. actually, magaling silang lahat. nakakatawa si uge.

kaya kung wala kayong gagawin sa weekend, watch na ng bona -- and tell me kung nakikita niyo rin ang sarili niyo kay bona... kasi nga, there's a bona in all of us... 

No comments: