Monday, October 1, 2012

ang buhay nga naman...

october 24, 2005, i posted this in my blog...

"nang dahil sa pinoy big brother, nadulas ako sa hagdan kagabi. nalaglag ng apat hanggang limang steps. sumalpak sa sementong sahig. at na-ER kaninang umaga sa makati med.
pero okay na ako.
 

medyo masakit pa rin iyong pinagbagsakan ko pero naturokan na ako ng pain killer, at na-x-ray na rin at nalamang wala naman akong buto na nabali.
 

ngayon, nagwe-wear off na iyong epekto ng pain killer. at medyo nararamdaman ko na uli iyong kirot tuwing gumagalaw ako. pero di bale, may mga gamot na rin ako for the pain. lalaklakin ko lang ito later, and i will be okay."

hindi ko maamin noon sa blog kung bakit ako nalaglag. at kung sino hinahabol ko sa pbb... pero all my friends knew na kaya ako nahulog dahil kay sam milby....

hinahabol ko siya sa TV noon... nahulog ako sa hagdan dahil sa kanya. hindi ko inaasahan na five years after ko mahulog sa hagdan, makikilala ko siya...

and now, seven years after, heto na kami....


warm and tight hug ang binibigay niya tuwing nagkikita kami. nakakapag-usap kami about his work... and some personal stuff. nakapunta na ako sa bahay (at sa kuwarto!!!) niya. nabibiro ko pa sya about anne (hehe) and sarah (hihi). the last time we were together, inaasar ko sya about someone... and recently, he followed me sa twitter (ambabaw ko!)

hindi kami close ni sam. pero nao- overwhelmed ako sa tuwing naaalala ko kung nasan ako seven years ago, at kung nasan ako ngayon... seven years ago, nahulog ako sa hagdan dahil sa kanya...

nagwo-work ako sa ayala noon, nagwo-workshop sa abs... at simple lang ang pangarap ko noon.. ang makita siya sa personal. the universe gave me more...

minsan talaga, life surprises you -- iyong mga hindi mo inaasahan. iyong mga hindi mo akalain. binibigay sa iyo... 

kaya... dream big! hindi mo alam... baka magulat ka na lang sa kung anu puwedeng mangyari sa iyo seven years, seven months, seven weeks or seven days from now...


1 comment:

mhiko said...



if ever nagdrop by ako sa abs..pwede ba kita mameet?i have friends working there.. ;)

i love sam milby!is he really nice?sana mameet ko din sya!..