Wednesday, October 24, 2012

dahil masama akong tao...

matagal na nangyari ito -- siguro mga more than one month na...

sa lacoste store, may nakita akong napakagandang bag na kulay olive green. tiningnan ko. tinanong kung magkano. mura lang kaya balak ko na bilhin. kaso, napatingin din ako sa same style/size na bag na kulay red. 

hawak ko ang green at red. parehong tiningnan sa salamin. mas gusto ko pa rin iyong green. besides, andami ko na red na bags...

biglang may isang babaeng pumasok sa lacoste. nakita niya iyong hawak ko na bag. tinanong niya yung saleslady kung may red pa daw. sabi ng saleslady, last stock na daw.

so iyong babae, hinintay niya na ibaba ko ung red bag na hawak ko. 

hulaan niyo kung aling bag ang binili ko. 

sabi sa akin ng kaibigan ko, ansama ko daw. green naman iyong talagang gusto ko pero noong may ibang nagpakita ng interest sa red, at dahil last stock na iyong hawak ko, red ang binili ko. 

sabi ko "iba pala kapag may ibang may gusto sa meron ka..." 

pero dagdag ko, hayaan niya na, sa bag at mga bagay ko lang naman puwede gawin yun. kasi most of the time, pagdating sa lovelife at lalake, ako iyong babaeng nagwi-wish na sana may ibang stocks pa ang bag na hawak ng iba...

quote for the day: it kinda sucks how easy it was for you to throw away everything from our relationship. i could never do that  - how i met your mother season 8, ep1

song of the moment: honest baby i'll do / anything you want to / so can we finish what we started don't you leave me brokenhearted tonight - brokenhearted, karmin

what i learned recently: ang akala ko last four scripts na lang ako... but wait, there's more ang drama. pero sige, bring it on... keri ko iyan!

2 comments:

kalansaycollector said...

honestly, i will do the same thing. hahaha

Tiradauno said...

Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/