Monday, October 29, 2012

imagine

ngayon pa lang ini-imagine ko na ang mangyayari next weekend... nakahiga sa beachfront. nagbabasa ng libro. tahimik ang paligid. ang naririnig ko lang ang music sa iphone. o kaya ang alon na humahampas sa shore. tapos wala akong paki sa tao sa paligid ko. kahit na kasama ko iyong dalawang writer friends ko. kanya-kanya kaming puwesto. kanya-kanyang libro. kanya-kanyang trip.

sana lang please, ganito talaga iyong mangyayari...

hindi iyong nasa beach nga ako, nagsusulat naman ako. gumastos pa ako ng airfare at hotel. hindi naman ako makaka-relax. maghahabol lang ako deadline.

pangarap ko na deadline-free at stress-free ako next weekend. sige na, okay na iyong this weekend e busy ako kahit nasa davao ako. okay na iyong magsusulat ulit ako sa eroplano. lahat naman halos ng lipad ko, nagsusulat ako sa plane.

pero please, universe, ibalato mo na sa akin ang next weekend. deserve ko ito -- after 22 weeks of script. oo, may week 23 onwards pa pero... pwede break muna? advance naman kami eh. seven weeks na spill. tas three weeks na advance. sige na, please, universe. bigay mo na sa akin ito...

ayan ini-imagine ko na...

song of the moment: Titanium by David Guetta

quote for the day: "it's just really hard when someone you care a lot moves on before you do," awkward, season 2

what i learned recently: open na ang mom and tina's sa tapat ng abs-cbn. yey! :-)

No comments: