Friday, November 16, 2012

ce-boom! cebu!

it wasn't my first time in cebu. iyong first time ko, college ako. sumakay kami ng super ferry from manila to davao. nag stopover sa cebu. bumaba kami. kasama ko mga kamag-anak ko from bulacan. sa gaisano lang kami pumunta. na-jaywalking pa kami sa colon. nakakahiya. ako na taga manila, taga UP pa, na jaywalking sa cebu... that was in 1996. pero feeling ko, hindi counted iyun. kasi ilang oras lang kami noon sa cebu. najaywalking pa ako.

kaya last weekend, iyun ang kino-consider ko na first time ko sa cebu.

simala. carcar. chicharon. crimson beach. larsian barbeque. belgian cookies. magellan's cross. sto nino. lapu lapu. danggit. dried mangoes. meeting old friends from high school and former work.

masaya ang bakasyon. kahit na may script deadline ko. kahit na nung second night ko, nagsusulat ako sa restaurant ng crimson beach. kahit na sa mactan airport pauwi, nagpapanic na ako dahil deadline ko na the next day at di pa ako tapos.

***

noong bumalik ako after cebu, nag meeting kami ng headwriter ko. first time in 23 scripts ng aryana, andami niyang comments.

"bakit ganoon yung script mo? parang hindi ikaw ang nag-sulat..."

he was very disappointed. he asked, "anong nangyari sayo?"

gusto ko sagutin... "cebu. cebu happened to me." aminado ako, minadali ko ang day 1 para maenjoy ko ang cebu. tapos tinuloy ko lang noong nakabalik na ako sa manila. kaya ganun ang kinalabasan.

pero no regrets. kasi kahit na pangit ung nasubmit kong draft 1, bumawi naman ako sa draft 2 (sana!) at sabi ko, babawi ako sa last __ scripts namin.

kailangan ko lang talaga masulit ang bakasyon ko...

***

matatapos na kami sa aryana. kailangan ko ng mahabang break pagkatapos nito. gusto ko lang magbeach. at matulog. at mag dvd marathon. at magshopping ng magshopping. tapos, ready na ulit ako magsulat ng new soap...

pero sobrang grateful ako sa aryana. ang sabi sa amin, 10 weeks na script lang, 13 weeks airing. pang 28th week airing na namin. ang alam ko, 36 weeks kami... wow naman, salamat talaga sa biyaya, lord...




2 comments:

kalansaycollector said...

congraaaatsss! :)

Angelo said...

glad to know things are going very well, friend! :D