Wednesday, November 21, 2012

dahil namiss ko ang senti blog entry...

"nami-miss ko na magmahal ng tao. hayup kasi iyong huling minahal ko."

nabasa ko ito sa bbm status ng ka-bbm ko. natawa ako. at ginawa kong fb status. pero hindi naman ako naka-relate. hindi naman hayup iyong huling minahal ko.

ako, nami-miss ko lang na magmahal. period.

***

"may feelings involved pero hindi love."
"kung hindi love, ano?"
"ewan... fondness? nostalgia? basta hindi love..."
"love iyan! dine-deny mo lang."
"hindi ko dine-deny. talagang hindi ko siya mahal. pero may feelings ako sa kanya. hindi lang love."

iyan ang usapan namin ng friend kong si B a few months ago about the crispy pata guy. hindi ko siya love, sure ako dun. at oo, antagal ko na hindi nagmamahal. five years, to be exact. iyung mga dumating from 2007 to present, hindi love yun. may feelings, pero hindi love.

ayokong isipin na jaded na ako... siguro maingat lang? or siguro, wala talagang dumarating? or yun nga, self-preservation. ayoko na noong ako ang mas nagmamahal. lagi na lang ganoon.

***

namiss ko bigla magsulat ng senti blog entry. medyo inhibited na ako ngayon, kasi aware ako na andami na nakakabasang kakilala ko ng blog ko. or siguro, conscious ako na sa ganitong edad, dapat hindi na ako masyadong emo...

pero sige na, minsan na lang naman ako magsenti eh, hayaan niyo na... 

nakakasawa din yung puro angsts sa trabaho ang nasa blog ko... pero hay... kasi naman...

***
 
sa lahat ng pictures ko sa cebu, ito ang pinaka-paborito ko...


parang ang saya lang buhay. walang iniisip na script. walang deadline. walang stress. vodka ng alas diyes ng umaga!

pero hindi nga ako completely relaxed ng mga panahon na iyan. kasi may deadline ako ng script. pero sinantabi ko muna iyong deadline. kailangan ko mag-recharge. kailangan ko mag unwind. ayokong umabot sa point na kinaiinisan ko na iyong dating mahal na mahal ko...

looking forward ako sa christmas break. kasi sabi ko, by then, tapos na ako sa scripting ng aryana. puwede na ako matulog ng 8 hours! puwede na ako maglakwatsa na hindi naguguilty dahil wala akong kailangan isubmit. keri ko pumarty at mag enjoy dahil wala akong deadline...

pero sinabihan na ako. may baon akong work sa davao, para sa new show.

hindi ako nagrereklamo sa blessing. yung di pa tapos ang aryana, may nakapila na agad na ipapasulat sa akin. pero hindi naman masamang magpahinga, di ba? pagkatapos ng aryana, kahit two weeks man lang na walang trabaho...

kailangan ko lang iyan. para hindi ma burn out. para hindi ko maisumpa ang pagsusulat...

***

i should go back to writing. week 24 now. after nito, dalawa na lang.. at puwede na ako kumendeng ng bonggang-bongga...

2 comments:

Angelo said...

Love it, friend! :)

TakashimaEri said...

Unemployed Pinoys can earn while enjoying time with their family and loveones.
Unemployed is Brave and a choice to be a Freeman.
Join us today at http://www.unemployedpinoys.com