Sunday, November 25, 2012

end of the world na...

ang ganda sana ng premise ng 24/7 in love. end of the world na, ano gagawin mo? ang gagaling sana ng mga artista pero sayang... sayang ang pelikula. well, kilig ang kimerald. kilig ang kathniel. ang hot ni sam. pero...

yun na lang talaga ang nasabi ko...

***

kung mag-i-end of the world na bukas, ano gagawin mo?

nasagot ko na ito sa isa sa mga fb/friendster memes eh. kung mag-i-end of the world na, ang isa sa sagot ko: gagawa ako ng kasalanan. tapos mangungumpisal ako after.

susko. mag-i-end of the world na! hindi pa ako nakakakumpisal!

***

heto seryoso... kung mag-i-end of the world na, magpapasalamat ako kasi i could have died on 1-11-11 pero umabot pa ako sa 12-21-12. two years na extension, para magawa ko iyong dapat kong magawa. sulit naman.

kahit na since april ay linggo-linggo ako nagsusulat... may mga naisingit pa naman na chever at chorva at lalarinlarin... and this year, ang buhay ko ay parang sinabawang gulay-- makulay!

***
kung mag-i-end of the world na, hihingi ako sorry sa mga nagawan ko kasalanan. at magpapatawad ako at kakalimutan ko galit ko doon sa mga taong sinaktan ako.

kung mag-i-end of the world na, uuwi ako davao. naka business class ng philippine airlines!  tapos magchi-check in kami buong family sa pearl farm. buffet every meal. tapos, doon na hihintayin ang the great flood. 



***

pero sana huwag muna mag-end of the world. kasi di pa ako nakakasulat ng pelikula. hindi pa ako nakakapag-publish ng libro. at hindi pa kami nagkakatuluyan ni C. wahahaha

joke lang yung kay C. nakita ko latest pic nya sa fb.. sabi ko kay claring.. ang tanda na niya.

ang yabang ko. pero grabe, evident na ang fine lines and wrinkles sa mukha ni C. parang ako lang...haha

***

totoo pala iyun no? magigising ka na lang isang umaga tapos makikita mo ang dating wala doon -- sa case ko, nagising na lang na ako may mga guhit na ilalim ng mata ko. akala ko puyat lang ako. pero araw-araw, andyan. kahit 10 hours tulog ko... hindi yun dahil sa puyat. dahil yun sa 30 something na ako!


gash...

thirty something na ako. more than half my life, nagpakabaliw ako kay C... 

"20 years akong naghintay sa maling lalake," sabi ni pokwang sa 24/7. napatingin ako kay claring at sinabing,  "ako, 22!"

***

kung mag-i-end of the world na, susko, dapat ko na itigil kahibangan ko kay C! actually tapos naman na talaga eh. pero hanggat single siya, hindi titigil mga tao kakatukso sa kanya sakin.

nung huling dinner ko with our high school batchmates, his name was brought up again. they teased me. ang sabi ko "antagal na nun, move on na tayo..."

mag-i-end of the world na... hindi pa rin nag-i-end ang kwento ni C! sabi ko nga... kasi nakasanayan na...

No comments: