Saturday, November 3, 2012

nine years ago...

november 3, 2003. exactly 9 years ago, i became a columnist in Peyups.com, an online community for UP students and alumni. doon nahasa ang writing skills ko. doon ako naging mas senti at emotional. at doon ko naramdaman na isa akong ganap na manunulat. doon din ako na-plagiarize ng maraming beses pero ang importante, dahil nagugustuhan ng mga tao ang mga sinusulat ko, nagkaroon ako ng lakas na loob na mag-apply sa writing workshop ng abs-cbn.

salamat, sa peyups admin na sina karl at mimi sa chance na binigay nila sa akin nine years ago. namimiss ko ang lumang peyups.com at ang column ko na this side UP pero... may mga bagay na hindi na natin maibabalik ... we can only be grateful that they happened, at nagawa nila ang purpose nila sa buhay natin.... in my case, being an online columnist gave me confidence in my writing skills... and made me believe that yes, i do have stories to tell... and through my stories, i can make people smile, laugh, cry, and fall in love....

i have written thirty articles in peyups. twenty doon sa column ko, iyong 10, gamit ko ang iba ko pang username... tatlong usernames meron ako sa peyups. para sa mga articles na kailangan i-sulat anonymously :)

looking back, anlaki talaga ng naitulong sa akin ng mga articles ko sa peyups... lalo na ngayon, kapag nagsusulat ako script o dialogue. may hugot ako doon sa mga artiks ko...

kaya naniniwala ako... lahat ng bagay talaga na nangyayari sa buhay mo, may purpose...

***

november 3 na rin lang ngayon... happy birthday C!


***

nakita ko ang video ng dear paul ng barbie's cradle sa fb wall ng friend ko. matagal ko na gusto ang dear paul. para kay C, kanino pa ba...

pero kanina, my friend was quoting the lyrics "don't you know, eleven years is a long time to freeze a heart... eleven years is long enough to make a girl insane." sabi ko, kay C, it's more like 20 years na...

and then may kinwento ang friend ko what happened to her eleven years ago...

and i realized, something also happened to me 11 years ago... november 2001. at nakalagay iyun sa kauna-unahang blog ko -- ang opendiary.com.

halos pareho kami ng kuwento ng friend ko... may umalis. may lumipad sa ibang bansa. at may nagsabi sa akin ng "pagdating ng panahon, baka ikaw din at ako..."

natatawa na lang ako kapag naaalala ko...


gash. puwede na talagang gawing pelikula ang buhay ko! pero pang indie lang siguro. kung mainstream -- flopsina ito!



4 comments:

BabyPink said...

Sa Peyups din kita "nakilala", Miss Noringai! Nami-miss ko din talaga ang dating peyups, pero tama ka, may mga bagay na hindi na maibabalik. Nagawa na nila role nila sa buhay natin. :)

Perrine Renoir said...

echnis"lahat ng bagay talaga na nangyayari sa buhay mo, may purpose"

i agree. what a reminder for me.

Anonymous said...

I miss Peyups... :(

Anonymous said...

Hello Noringai. I will be publishing archived articles of peyups.com to a multi-authored blog that I will launch soon. I hope that the new website I am working on will inspire new writers in this generation. I do not have a complete copy of your work and will be delighted if you can ftp me all your essays so I can publish it when the website is launch. I will keep an eye on this thread and will wait for your reply here. Thanks.