Wednesday, January 16, 2013

awat na, please?

dear tadhana,

naniniwala ako na may dahilan ang lahat ng bagay... pero minsan, hindi ko maintindihan... bakit may mga nangyayari na wala lang... walang purpose. walang silbi sa buhay namin... walang dahilan. kailangan ko ng paliwanag, please... kung bakit may mga tao na kailangan dumating at mag-stay. kahit ayoko na. kahit gusto ko na mawala... andyan lang talaga sila...

paki-explain sa akin, please?

ten years ago...

kakatapos lang ng grand reunion namin sa high school. ang grand reunion na sobrang pinaghandaan ko dahil ito ang araw na makikita ko ulit si C...

ang grand reunion kung saan nakita ko siya after how many years. hinalikan niya ako. nasunog ang buhok ko. pinicture-an kami ng mga tao.

hindi pa uso ang digicam. buhay pa ang kodak. kaya ang picture namin, pinakopya ko ng madami. iba't ibang size. may wallet size na nasa pitaka ko. may 3R na nasa table ng opisina ko at ref namin. at may malaki na naka-frame.

ten years ago, sinulat ko ang article na bagay daw tayo at na-publish sa peyups.

"Kahit sinong makakita noong picture natin, iisa ang sinasabi – bagay daw tayo. Lahat yata ng tao, iyon ang iniisip. Maliban sa iyo. Ikaw na lang ang hindi nakakapansin. Ikaw na lang ang hindi nakakakita. Ano ba ang dapat kong gawin para ma-realize mo na bagay tayo? Na kung susubukan natin, maybe we can work it out. Ang tagal ko nang nag-iilusyon. 14 years, to be exact."

so kung 14 years na ten years ago -- this year... 24 years na? kalokah, di ba! pero sabi ko nga, hindi naman tuloy-tuloy yung mga taon. may mga years na hindi ko na siya naiisip. hindi ko na siya naaalala. hindi ko na nai-imagine na siya ang kasama ko sa harap ng altar. hindi ko na wini-wish na baka kami nga talaga sa huli...


pero naman... hindi siya nawawala...

sabi ko nga... siya lang ang consistent . siya ang constant. mawala na ang ibang lalake sa buhay ko pero siya... laging andyan...

kung kelan tanggap ko na. kung kelan makakalimutan ko na siya at magli-let go na ako... biglang may mangyayari... may gagawin siya. may sasabihin. may magbibigay sa akin ng dahilan  at muli na naman akong aasa.

iyong kung kelan masaya na ako sa buhay ko... bigla niya akong i-a-add sa facebook! kung kelan sinabi ko ayoko na, bigla ko siyang makikita unexpectedly, magkakausap na parang walang nangyari... kung kelan okay na ulit ako, saka naman siya magpaparamdam...


ayoko na... awat na, please... antagal-tagal na. nakakainis na. nakakabuwiset na. ayoko na... kaya please lang, C... magpakasal ka na...para talagang mawala na iyong maliit na hope na hindi mawala-wala sa loob ko. para talagang masabi ko na tapos na...

"My friends don’t know why I couldn’t shake you out of my system. I, myself, don’t have the answers. Ang alam ko lang, 14 years na kitang pinagnanasaan. Halos kalahati na ng buhay ko. And I don’t want to admit that I have just wasted those years with you. Part of me wants to believe that maybe, eventually, there would be a happy ending for us. Kasi, bagay daw tayo…"

juicekonaman! more than 20 years na. there's no word for this... hindi lang siya kabaliwan. hindi lang sya obsession. wala. kailangan na ng bagong word to describe this...

tadhana, paki-explain... ano silbi niya sa buhay ko? twenty four years na... naririnig mo ba? 24!!! awat na, please? 

9 comments:

Anonymous said...

OMG! so 10 years narin kita sinusubaybayan as a writer.

noreen said...

anonymous,

2002 ako nagsimula ata magsulat sa peyups :)

noreen said...
This comment has been removed by the author.
purpel said...

either sya ang magpaksal or ikaw Ms.Noreen pra matigil na itech!!!

sayang nawla na ang peyups, love ko pa naman ulit ulitin basahin ang mga articles mo :)

Anonymous said...

tama na siguro yung 24 mare :) unless gusto mo ng 25, para quarter of a century talaga? baka sakaling magka quarterlife crisis sya at matuluyan na!

ingats xx

Kareen

Ilai said...

I said to you...choice mo rin kasi to let him remain in your life kahit sa peripheral lang. Gusto mo kasi yung kilig that he brings...yung thrill everytime you meet him. He's the one who never was. It all comes down to CHOICE --- to consciously and subconsciously let go of that katiting na hope. And nasasabi ko to sa yo because I love you, friend...Alam mo yan! 'To talaga...dinamay pa si Tadhana...BWAHAHAHAHA!!

Angelo said...

Bakit di na lang kayong dalawa?

(Wait, di ko binasa buong post. Hehe!)

Anonymous said...

Carl is gay.

-Kalan Porter

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/