Tuesday, January 1, 2013

lunatic

this evening, i went out of our house with my niece maya and she pointed at the moon and exclaimed, "ang ganda ng moon o!"

ang ganda nga ng moon!

bumalik ako sa bahay para kunin ang phone ko at mapicture-an ang napakagandang buwan pero paglabas ko, natakpan na ito ng clouds. umaambon, alas diyes na ng gabi, at malamok sa labas pero naghintay ako na muling lumabas ang moon, para makunan ng picture.

ilang minuto akong naghintay. pati nanay ko, napalabas ng gate para maki-usyuso kung ano tinitingnan ko. nakakainip pero nagtiyaga ako. ewan, feeling ko kasi, magandang senyales ang maliwanag at malaking moon sa unang araw ng taon...

noong finally sumilip ang moon, kinunan ko ng picture... kebs na kung kapiraso lang ang nakalabas. basta may moon... 

at nung i-a-upload ko na sa instagram ang photo -- natigilan ako. kasi napansin ko... korteng heart ang moon!

feeling ko mali lang ako ng tingin, kaya nga ang caption ko ay "is it just me or talagang korteng puso ang moon..."

pero noong nakita ko na siya sa laptop... confirmed. heart-shaped moon! walang filter. hindi phinotoshop. ganyan talaga ang hitsura niya... mukhang puso ang moon na natatakpan ng clouds!

***

ang dami ko gustong isulat. ang daming nangyari sa davao trip ko. hindi ko pa nagagawa yearender blog entry ko. pero kailangan ko lang i-post itong picture na ito...

on the first night of 2013, i took a picture of the moon -- a heart-shaped moon!

sabi ng mga nag comments sa FB ko, sign daw. hindi na ako naniniwala sa sign. pero... naniniwala ako, maganda ang simula ng taon ko -- dahil sa moon na ito!

mahilig kasi talaga ako sa moon. kaya siguro siraulo ako...

happy new year sa mga nagtitiyaga pa rin na magbasa ng blog ko!


No comments: