Saturday, January 5, 2013

terrific twenty-twelve

kung ang 2006 ay taon ng sisig, puwede kong sabihin na ang 2012 ay taon ng crispy pata. literally. and figuratively. literal kasi parang napakarami kong nakain na crispy pata this year. lalo na nitong december, hanap ako ng hanap ng crispy pata. and oo, mas masarap siya sa sisig. mas makasalanan din. pero hanggang doon na lang iyun...

sabi ko nga sa isang post sa fb, what happened in 2012, stays in 2012. bawal na ulitin. bawal na balikan.

so ang crispy pata, hanggang 2012 na lang siya. healthy living na sa 2013 please? tuna, perhaps? iyung may omega chorva. good for the heart kasi.

ang 2012 din ay taon ng abundant blessings. ng second chances. ng blasts from the pasts.

january - beginnings

sa pag simula ng 2012, nagsimula din kaming buoin ang isang sirena show. dito rin nag-umpisa ang walang hanggan.

at noong january 2, nag-tweet ako nito: "2012 resolutions -- take risks; be forgiving to others, but most of all, to self; forget the past hurt and fall recklessly in love again!"

february - opportunity

this month, isang napakagaling na director ang nag-offer sakin gumawa ng movie with him. too bad, hindi ako puwede. hindi pa.

tweet ko noong feb 19: when ur sad,hurt, confused or afraid, spend a few minutes of silence w/ yourself. bcoz in solitude & silence, God reveals His message 4 u

march - almost

nag-tweet ako noong march ng "pangarap ko magsulat ng movie na parang #crazylittlethingcalledlove. yung simple lang pero lahat ng tao, makakarelate. #wishniNoringai." 

and on this same month, may komontak ulit sa akin para gumawa ng movie. pinayagan na ako. puwede na daw. nakausap ko na iyong producer. sinabi niya anong gusto niya. excited ako. bigatin ang mga artista. iyong actor, super love ko! nag-submit ako ng storyline at concepts. nagustuhan nila.

pero hanggang doon lang. almost. late 2012, it was announced that the movie of the two big stars is shelved. sayang.

april -busy

busy dahil nagsisimula na magsulat ng aryana. busy dahil nagbakasyon sa manila ang nanay ko, si maya at ang ate niya. natatandaan ko, good friday, nasa green coffee ako, nagtatapos ng script. busy dahil minsan, sumasabay iyong deadline ng aryana sa mga kailangan gawin at isulat sa walang hanggan.

may - nostalgia

nag-pilot ang aryana ng may 7. maganda ang reception ng mga tao. iyong originally na 10 weeks lang na ipapalabas, sinabing extended until january. wow naman.

spent one weekend with three of my high school close friends. and the following weekend, got together with someone from my past -- what a nostalgic month! 

makulay ang buwan ng mayo. hindi ko na i-elaborate. basta makulay. at makasalanan. not regretting it. but not proud of it, either. 

"alam mo ung nakaka-guilty? ung alam mong may nagawa kang mali pero binibiyayaan ka pa rin ng Diyos," tweet ko noong may 24.


june - what if?


nagkaroon ng scare about something. pero negative naman. nagpa-angiogram. okay ang mga veins. nagpa-check up, nagpa-test, kinabahan. pero nakahinga naman ng maluwag.



tweet ko noong june 4, "two simple words pero pag pinagsama, ang hirap isipin at sagutin... what if?" 

july - unchanged

aryana mall show sa davao. cinemalaya. (ang ganda ng mumunting lihim at bwakaw). at nag-attempt mag-cohen. nag-enrol sa cohen diet. nagpa-bloodtest. umasa na magkakaroon ng changes sa buhay.

my tweet on july 2: RT @autocorrects: Maybe I should start pretending like nothing ever happened between us, I mean since it was so easy for you... 

august  - celebration

sampu kami sa aryana na magbibirthday ng august kaya nagkaroon ng malaking party. nagkaroon din ako ng biglaang party for my birthday.

"figure out what you want because I'm tired of being your secret," - Jenna, Awkward Season 1. --> tweet ko noong august 27

and this month, i told someone na hanggang doon na lang iyong meron kami. hindi na puwedeng dugtungan. ayoko na.

september - balance

despite the kangaragan sa scripting, andami ko nagawa this month -- bench universe. phantom of the opera. clubbing with aryana peeps. the mistress. bona. housewarming party ng boss ko.

active na active ang social life. hindi halatang linggo-linggo ay nagsusubmit ng script.

"May mga bagay na kahit sinuko mo ay babalik din sayo. At may mga bagay na kahit gustong-gusto mo ay kailangan mo na isuko" tweet ko noong september  7

october - the end

lahat ay may hangganan. kahit ang walang hanggan ay may katapusan din. this month, natapos na ang walang hanggan.

"when in doubt... jump! :-) mas exciting yung di mo alam at di ka sigurado & it turned out to be one of the best decisions you've ever made," tweet ko noong october 3

november - break

sa gitna ng kangaragan sa aryana, nagawa ko pang pumunta ng davao at cebu ng magkasunod na weekend.


kailangan ko ng break na iyun! konti na lang, mabu-burn out na ako...

"kapag mahal mo, titiisin mo. at kahit sinasabi mong ayaw mo na, babalik at babalik ka pa rin :)" tweet ko noong  november 19.

december - serendipity

my tweet on december 6: "may mga bagay na nangyayari kahit pigilan mo man at iwasan. At meron namang hindi talaga mangyayari kahit pilitin mo man at subukan."

this month is a series of serendipitous moments. di ko na lang isa-isahin. basta madami.

pero isa sa pinakamagandang nangyari this month, iyong 12-12-12. hindi sinasadya. nagkataon lang. life-changing.

attended three weddings this month. unexpected meeting with C a week before the grand reunion.and finally, the grand reunion.

noong nabasa ko ulit iyong tinweet ko ng jan 2 na resolution, narealize ko -- last year, i took a risk. i was reckless. i fell. i hated myself for a while but then, last 12-12-12, may nangyari. may nakausap ako. at napatawad ko na rin ang sarili ko.

if i were to describe my 2012 in one word, it would be -- reckless. pero, isa ito sa pinakamakulay na taon. kulay red. kulay pink. kulay green. kulay blue. basta makulay.

sa 2013, i'd still take risks. but i'd be smarter. and sa 2013, i wish... and i hope... that if i'd be given another chance -- hindi na ako magiging tanga.

kaya dear 2013, be awesome, please.

No comments: