Thursday, February 14, 2013

dahil valentine's ngayon....


ang lifestory ko with crispy pata guy ay parang soap! may backstory. may bubog. may unresolved issues. maraming what if. may malaking conflict. maraming pang gap and day enders...

natapos na ang season 1. muntik na magkaroon ng season 2. buti na lang hindi natuloy. kundi, daig pa ang soap kung nagkataon...

hindi ako nagkuwento ever sa mga tao about the latest pasabog. last year pa na-plant ang pasabog na yun. at this year lang naani. this year nareveal iyong sikreto.

nung kinuwento ko kay claring nagulat siya kasi wala daw akong emote or something sa facebook.

nong nalaman ni ilai, she subtly asked kung okay lang ako...

yes i am okay.

nainis lang ako sa sarili ko.

nagpa-uto na naman ako.  naniwala na naman ako.

nasa edad na ako na dapat, alam ko na kung kelan ako niloloko.

pero at least, hindi ako umasa. naniwala ako sa simula pero hindi ako umasa. after ko marealize at ma-acknowledge na isa siyang pagkakamali, dumistansya na ako...

kasi umpisa pa lang, alam ko naman na isa siyang crispy pata -- makasalanan.

and finally, tapos na. last year ko pa alam. this year nalaman ng mga kaibigan ko. nakumpirma lang kung gaano siya ka-gago.

last post ko na ito about him. konti na lang, iba-block ko na siya para tapos na as in tapos na talaga...

at dahil valentine's ngayon, may excuse akong mag-rant at magpaka-bitter sa blog ko. sa mga nagbabasa ng blog ko since blogcity days pa -- aminin niyo -- namiss niyo ang bitter at senting ako!

happy balentamys! 

2 comments:

cris bagtas said...

nag wowonder na nga ba ko eh..
pero minsan na wish ko na sana lumungkot ulit lovelife mo, kasi i find comfort sa pagbabasa na hindi ako nag iisa, na i know someone famous at smart, pero naloloko din pala... pero di nmn ako ganun ka selfish, lahat kami we look forward to the day na makita mo na yun, na makita ka na din nya...
you are a great person, di mo deserve mapaglarauan ng universe... good luck to you, at salamat sa bitterness na naibahagi mo... cheers!!

noreen said...

dear cris bagtas...

salamat. pero nakakaloka, iyong mas gusto ng mga tao ang bitter entries para maka-relate. haha

i guess, may katuturan din pala ang pagiging bitter ko.

salamat sa pagbisita sa blog :)