Thursday, February 21, 2013

detox

dahil pakiramdam ko, napakaraming toxins na ang naipon sa katawan ko... kailangan ko na magpa-detox. cleansing diet.

and so on february 14 (hindi sinasadya.. nagkataon lang!), i had seven-day no meat, no preservatives, no animal product, no sugar diet.

last day today.


for someone na mahilig sa karne... at matatamis... at junk food... nakaya ko naman. na hindi nagchi-cheat. sinunod ko iyong program. kinain ko lang kung ano iyong dineliver sa akin. as in tatlong meal lang na puro gulay!!!! isang juju cleanse sa umagang snack. at gulay ulit o prutas na afternoon snack.

sa first day, may konting hilo. kaya nakahiga lang ako. at challenge ito kasi nagsusulat ako. so first two days, higa lang ako ng higa. at tulog lang ako ng tulog. babangon para magsulat. tapos higa ulit.

pero noong third day, kering-keri na... nakakapag-mall na ako. on the fourth day, pumarty pa ako sa taste of LA. pero hindi ako kumain. umorder lang ako ng lemonade -- na walang sugar!

pero weird. hindi ako nag lose ng weight. iyong isang friend ko na kasabay ko rin nagdetox, ganoon din. hindi nag-lose. unlike sa south beach nun, first three days lang, kita mo na ang pagbaba ng timbang. sa atkins diet ko fifteen pound in one month!

or it must be the age?

pero hindi naman talaga pagpapayat ang main goal ko noong nagdetox ako... gusto ko lang talaga ma-cleanse yung sistema ko. plus, masarap naman mga pagkain ng sexy chef.

tomorrow, back to normal na. puwede na ulit kumain. pero... bawas-karne na. still craving for lechon kawali. or barbeque. or crispy pata. pero siguro once a week na lang ako sa red meat. gash, sana mapanindigan ko...

1 comment:

BabyPink said...

Wow! All the best, Miss Noringai! Sana makapagsimula na rin ako. I want to be more healthy. :)