Monday, February 11, 2013

what happened in bora... stays in bora.

it was only my second time to be in boracay -- both with abs cbn peeps.

the first was in 2010. stayed at discovery shore for our creative planning. three days and two nights. pero naka-swimming lang nung last night and the morning of the following day.

this year, i was with aryana team. mas masaya ito. mas marami kaming nagawa. mas naramdaman ang barkadahan.

walang tulugan nang araw na iyun. we had aryana farewell party til 12 midnight tapos 2am dapat nasa airport na.

kaya sa eroplano at sa van na lang kami nag-borlog.

arrived at la carmela de boracay just before lunch. nagpahinga lang sa hotel, nag freshen up, and then we had lunch at d'talipapa. seafood feast! alimango. sugpo. clams. oyster. lahat na klase ng fish.

and then we had shake at jonah's... almost everyone ordered the choco banana peanut shake. just thinking about it makes me wanna go back to boracay to have it again. napakasarap.

habang nagpapahinga sa jonah's ang mga kasama namin, some of us went to the beach -- hindi para mag swimming kundi para mag kulitan at harutan by the shore.

before sunset, we all had pizza and cocktails at aria's. g tongi ordered the large pizza na may apat na flavors. bet na bet ko yung may anchovies! perfect sa kung anu-anong cocktails na pinaimon sa amin ng asawa ni g. hindi ko alam kung nakailang cocktails ako... at kung anu-ano ang laman noon. basta inom lang ako ng inom.

went back to the hotel to catch some sleep dahil di na kaya ng mga katawan namin. (at dahil tipsy na ako sa dami ng nainom). had late dinner at la carmela and then we headed to juice bar.

wala akong pinagdadaan pero umorder ako ng weng weng sa juice bar. hindi ko na matandaan kung kelan ako huling nag wengweng. year 2006 pa ata! pero sinubukan ko lang -- kung kaya ko pa.

so sari-saring alcohol during sunset. wengweng, vodka at beer nung gabi. loud music. happy people. dancing with friends. the first night was so much fun.

you know you're really old when you'd prefer sleep than partying with friends. so at 2 in the morning, i walked back to the hotel -- alone! while my friends were still drinking and dancing at juice.

the next day, aryana director treated us to ariel's point. it's in another island kung saan may cliff diving and other water activities. and unlimited food and cocktail.

one hour ang boat ride and the travel was interesting dahil may nakilala ako -- si M.


nakaupo siya sa harap ko at noong umandar na iyong banka, bigla siyang ngumiti sakin sabay abot ng camera niya. puwede ko daw ba siyang picture-an. so tinanong ko na siya kung taga saan siya. tapos tinanong niya din ako kung taga saan ako. at dahil hirap makipag-usap na malayo, lumipat na siya sa tabi ko.

(kinukunan ako ng pic ng kasama ko, akala ko solo -- kasama pala si M!)

so buong biyahe ng bangka, magkausap kami. ang hirap pala kapag isang group kayo (nasa lower deck ng bangka iyong ibang kasama namin) -- may makausap ka lang na foreigner, grabeng tuksuhan. lahat ng kasama ko sa baba ng bangka, naki-usyusyo. may mga nagpicture pa. nahiya ako. sabi ko na lang kay M, para siyang tourist spot, everyone wants to take his picture.

noong nakarating kami sa isla, he joined our group sa cottage. so ininterview na rin siya ng mga kasamahan ko.

"are you alone?" sabi ng director.
"yes..."
"after this trip, you wont be alone anymore..."

***

sa boat pa lang, tinatanong na niya ako kung tatalon ako sa cliff. sabi ko hindi ko alam... kasi matakutin ako. pero nung nandoon na ako, what the heck -- kapag na-comatose ka na pala, kaya mo na harapin kahit ano. so i jumped!





what a liberating experience! walang life vest. walang harness. at hindi mo alam kung gaano kalalim ang tubig -- sa sobrang lalim, hindi mo makita ung nasa baba.


enough na sa akin iyun. isang talon. tama na iyun. buti hindi bumuka yung tahi sa ulo ko. lol.

spent the rest of the afternoon talking to M. bente sais lang siya! construction worker. nagtanong tungkol sa work ko. kung saan ako nakatira. kung ano ginagawa ko for fun...

ilang oras din kami nagkuwentuhan habang ang mga kasama ko... panay talon sa cliff, langoy, snorkeling, kayak...



nung nakabalik na kami sa isla, nagkayayaan ang mga kasama ko sa isang coffee shop while i decided to go back sa hotel para magbihis. M saw me and asked saan ako pupunta. told him babalik muna ako sa hotel. sinabayan niya ako maglakad.

"hinatid ka niya?"
"hindi. sabay lang kami naglakad."
"hinatid ka nga..."

nasa station 1 ang mga kasama ko. iisa lang ang nakaalam na sabay kami ni M, iyong roommate ko na umuwi din sa hotel. ambilis kumalat ng balita. alam na lahat noong mga nasa kabilang isla na hinatid ako!

sabi ko sa sarili ko, noong nasa saigon kami noon, may irish construction worker din akong nakilala. ngayon naman, constru pa rin. market ko talaga ang mga Er???

pero may napatunayan ako -- kaya ko pala maglakad sa buong isla  habang nag-i-english ng straight! my friends know ayaw na ayaw ko maglakad. nakakapagod. tapos iyong may kausap ka pang english speaking? kalokah!

"this is me," sabay turo sa hotel. iyan kasi laging sinasabi ni carrie bradshaw sa sex and the city kapag may naghahatid sa kanya... ginaya ko lang.

bago kami naghiwalay, i told him my friends and i would be in summer place that night, baka type niya sumama to party with us. he asked me what time. sabi ko 10.

"ok, i'll see you later." sabi niya.

hindi na kami nagkita. past 12 na kami dumating sa summer place. eh kano pa naman sya. walang filipino time.

hindi ko alam kung dumating siya at umalis agad. o hindi siya talaag dumating... kaya on our last night in bora... heto kaming lahat... nganga!



bakit daw hindi kami nagpalitan ng number. sabi ko, hindi naman niya hiningi, alangan naman sabihin ko "hey i just met you and this is crazy, but here's my number... call me maybe?"

he did give me his email add. i sent him an email pagbalik ko ng manila -- dedma siya. so hanggang doon na lang iyun... well, naging interesting naman ang bora trip dahil sa kanya... at yun nga, confident na ako makipag usap ngayon ng dire-direchong english... hehe

to sum up, sobrang saya ng boracay experience ko this year. totoo nga, aliw bumiyahe kasama kaibigan. lalo na kung madami kayo. harutan, kulitan, tuksuhan.






looking forward to my next boracay trip... mas madaming kasama, mas masaya!

1 comment:

Angelo said...

Friend, winner si M. May communication pa ba? :P