Wednesday, May 8, 2013

i saw the sign...

yung kantang the sign na alam ko, iyong sumikat noong 1992 na kinanta ng ace of base. it's the same song na kinakanta ng mga pamangkin ko -- pero nakuha nila sa movie na pitch perfect... talk about generation gap!

***

the past few weeks... ang buhay ko ay isang malaking "lord, penge ng sign..."

noong nasa davao ako, i got a text from my landlord telling me he's selling the condo where i live... gusto ko daw ba bilhin. 2M ang presyo niya sa akin... keri lang sana. kaso gusto niya ng cash. saan naman ako kukuha ng 2M na cash?

naisip ko... it's a sign for me to find a new condo... nakakalungkot kasi gusto ko iyong condo ko now but... it's time to move on.

so naghanap ako... pero hindi na rent ang ina-eye ko. ambisyosa ako eh. gusto ko na bumili. kinuwenta ko rin kasi. sa three years na pagtira ko sa condo na ito, naka 500k na ako. nakakahinayang... so dapat talaga bumibili na ako...

iisa lang naman ang condo na gusto ko lipatan... last year pa sana ako lilipat doon pero last year, binabayaran ko pa iyong aneurysm bills ko. so this year, tinext ko ulit iyong contact ko sa condo na iyun...

she showed me the condo unit. gusto ko talaga. pero ang tanong, kaya ko ba? patapos na kasi ang show ko... hindi ko alam anu mangyayari sa akin... so one sunday, while i was in church, i prayed... "lord, penge ng sign. kapag nagkaroon ako ng bagong show this month (april), kukunin ko iyong condo na iyun..."

after two days, kumatok sa unit ko ang headwriter/neighbor ko... nagpahiram ng mga dvds sa akin at sinabing "gusto mo bang magsulat sa _____ (insert name of new show here)?"

na-excite ako. may new show na ako. so ayun na ang sign....

so i paid the reservation fee. pero... hesitant pa rin ako... kailangan ko na bayaran iyong downpayment... ang kaso, kulang ang pera ko ng 78,000....  nagdasal ulit ako... kung by april 25, makukumpleto ko ang pang down sa condo, itutuloy ko ang pagbili...

april 25... ang dumating na pera sa akin... 78,000!!! eksakto!!!

tawang-tawa ang ate ko noong kinuwento ko...  anong sign pa daw ba kailangan ko... ayan na o... eksakto! pati si ilai, sinabi sakin, wag na daw ako humingi ng pangatlo pang sign, baka makulitan na si Lord...

so ayun... On April 28... totoo na ito... pikit-mata... bumili na ako ng condo. hindi ko alam paano ko iipunin ang pambayad sa balance pero... isa lang ang alam ko, God provides.

***

at dahil in less than two months, lilipat na ako sa bagong bahay, kailangan ko na mag-ayos at mag empake. i decided ang una kong gawin -- itapon ang mga dapat ng itapon -- purging ang tawag dito.

at ang una kong tinapon... ito...

pictures, receipts, gifts, and other mementos that remind me of past loves. for years, i held on to these things. may scrapbook pa nga ako! pero... i won't be bringing them to my new house...

nanginig ako while doing it. sinasabi ko sa sarili ko... "itapon mo na.. itapon mo na!" parang chini-cheer ko ang sarili ko... tapos nag text ako kay clarissa at kay ilai... "tinapon ko na lahat ng mementos ni _____!"

kung matagal ka na nagbabasa ng blog ko... am sure alam mong senti ako. at hirap akong mag let go... pero finally, naitapon ko na!

yun lang ang kailangan ko... ang simulan iyun! and then, sunod-sunod na... hinalungkat ko na iyong ibang kahon... ibang mementos... pinili ko anu ang itatapon, at ano ang itatago...
 



dalawang kahon na naitatapon ko... marami pa akong bubuksan... ang hiraaaaaap. it's like throwing away the memories... pero... it's time to make new memories, di ba?

basta ngayon, excited ako... lagi akong kumakanta ng "i guess i wanted something new in my life..." tapos tuwang-tuwa ako sa pag-iisip na in two months, lilipat na ako...





3 comments:

Angelo said...

Congrats, friend! :D Happy for youuuu! :D

Mabel said...

Congratulations Noreen sa bago mong tahanan! Ano ba to, hanggang ngayon nagbabasa pa rin ako ng blog mo.

the Zookeeper said...

happy to read this, congrats noreen!