Tuesday, July 9, 2013

totoo na talaga ito





today, i saw the first draft of my book na naka-layout na. as in halos buo na siya. except for the foreword (na hinihintay ko pa from someone i admire the most), at the designs and doodles (na hinihintay ko from a super busy celebrity friend).


this is it. totoo na talaga ito. magkakalibro na talaga ako. for real.

***

may purpose pala ang pagba-blog ko ng ten years. may dahilan kung bakit panay ang pagsesenti ko. magagamit ko pala siya. magiging libro pala siya!

***

claring asked me magkano ibabayad sakin ng publisher. sabi ko di ko na tinanong. kahit si ogie diaz, tinanong ako magkano ang bayad. i told them, pangarap ko lang talaga magkaroon ng libro. bonus na lang iyong ibabayad sa akin.


***

the books will be out in september. hinahabol daw nila ang book fair. kung hindi man siya mailabas ng september, basta daw within the year. just before christmas.

dear friends and readers of my blog, mga nagbabasa sakin mula noong nasa blogcity pa ako, mga nakilala ako dahil sa column ko sa peyups... please buy my books ha.

when the publisher asked me magkano ko gusto ibenta ang book, sabi ko, "150 to 200." affordable. kayang-kaya. puwede bumili ng lima para ipanregalo sa pasko.

***

when the show may isang pangarap ended last may 17, wala  na akong kasunod na soap. supposedly meron pero hindi ako natuloy. napapatanong ako bakit kaya wala akong show... gets ko na ngayon. kasi naging busy ako sa paglilipat ng bahay. naging busy ako sa pag-aayos ng libro.

at noong nasubmit ko na ang libro ko sa publisher at naka-settle na ako sa bagong unit... after ko magpa-house blessing, saka na-confirm ang next show ko. saka magsisimula na ang scripting.

God's timing is always perfect. i shouldn't ask or question His plans. iyong two months na na-tengga ako sa pagsusulat, may dahilan iyun... para sa libro. para sa lipat-bahay.


at ngayong okay na ang lahat, ready na ulit ako sa hashtag buhay writer.

3 comments:

Angelo said...

congrats, friend! :) i'm super happy for you! :D

Anonymous said...

congrats po! Sana matupad din ang wish kong maging author ng libro at scriptwriter gaya nyo ;D GOD BLESS po sa new house nyo

Anonymous said...

Sana umabot sa book fair para may book signing ka rin. Tityempuhan ko ung schedule mo -budjang