Wednesday, August 7, 2013

in a few weeks...

In a few weeks, lalabas na ang first book ko. Parang Kayo, Pero Hindi. Sa Manila International Book Fair ang launch. May book signing daw. September 15 ata. HIndi pa confirmed. Pero iyun ang binigay ko na date sa kanila. September 15. Linggo. Para siguradong walang trabaho. Sa SMX Convention.  Late na noong nalaman ko na kasabay pala siya ng UAAP Cheerdance. Sa MOA arena naman iyun.

Alessandra did the cover for the second book. Ang ganda ng ginawa niya. Sobrang gusto ko. Nagustuhan din ng Publisher. Excited na rin ako sa book 2. Pero mukhang October pa ito. Or November. Hindi nila mai-release ng sabay dahil marami pang inaayos sa layout at design ng book 1.

Kinakabahan na ako. Paano kung walang bumili? Iyong mga sumagot sa question ko sa entry na ito, mga nagsabing bibili sila kapag naglabas ako ng libro, heto na iyun ha. Bibili na kayo ha :) By September, I will be tweeting a lot, and asking my celebrity friends to tweet and promote my books. Shameless plugging.

Nahati ko naman iyong mga articles. Iyong ibang gusto ko like Lessons from Kakikayan and Lessons from Shoes,, nasa second book. Pero iyong Jelly Beans, iyong Hindi ako Sanay, nandoon sa first book.

May mga bagong articles din ako na naisulat. Lessons Learned from Playing Candy Crush. The One that Got Away. Marami pang lumang articles na hindi ko sinubmit sa Peyups o nilagay sa blog ko dahil masyadong personal. Iyong ibang laman ng thesis ko, sinama ko na rin.

At habang papalapit ang September, kinakabahan ako. Hindi lang dahil sa baka flopsina ang book ko. Kundi dahil sa mga magbabasa nito at makikita nila ang sarili nila. May disclaimer naman agad ako. Huwag mag-assume. Hanggat hindi mo nababasa ang pangalan mo, hindi ikaw yun!

In a few weeks, lalabas na ang libro ko. The realization of  my dreams. Bibili ako 100. Ipamumudmod ko. Ipanreregalo ko. Ipapa-raffle ko. Bahala na. Basta siguradong may 100 na books na mabebenta na -- from me.

Ikaw na nagbabasa nito... Bili ka ha :)

4 comments:

kalansaycollector said...

Aww kainggit! Congrats po. :)

Mabel said...

Mabibili ko ba sa Amazon yung libro mo?

noreen said...

Mabel, hindi ko alam :( mukhang may ebook version naman sya so pwede na siguro yun? hihi

ree said...

Hi! Ive been an avid reader of your blog at saka sa peyups dati...ask ko lang kung how much ung book? and kailan at saan ung book launch? Congrats!